Chapter 3

911 Words
-Minah's POV- First day of classes pero ang dami na agad pinapagawa sa amin. Ilang oras na ang lumipas pero nandito pa rin kami at nakikinig sa discussion sa Business Ethics. Hindi naman sa ayaw ko 'yung subject, pero 'yung nagtuturo. Myghad! Feeling ko habang nagsasalita siya gusto niya kaming patulugin anytime. Grabeng boring, kung bakit ba naman kasi naging prefect pa ulit namin siya.  Kapag si Ms. Dimasalang ang prof, kung hindi ako inaantok, lumilipad naman sa kawalan ang utak ko. Pinipilit ko naman i-digest lahat ng sinasabi niya pero sadyang ayaw talagang makisama ng utak ko. Parang any moment malapit nang mag-dysfunction utak ko. "Okay class, see you on next meeting." and finally! Dalawang oras lang 'yung klase pero pakiramdam ko halos buong araw akong tulala sa kawalan. Binilisan ko ang pag-aayos ng gamit para makalabas na. May habit kasi si Ms. Dimasalang na magkwento ng buhay niya na mala-MMK kapag tapos na ang klase at nakita ka niya na walang balak umuwi.  "Hindi naman halatang nagmamadali ka." Lorie said habang nagliligpit ng gamit niya. "My gosh Lorie, kung may plano ka na makinig sa kwento ni Miss, 'wag mo na akong idamay." I said at basta na lang inilagay mga gamit ko sa bag. Wala akong balak magpatagal pa sa iisang lugar with Ms. Dimasalang. "Then, leggo!" masayang sabi ni Morie at nauna nang lumabas. Isa pa 'to na na-trauma na rin sa kwento ni Miss. Actually, okay naman siyang teacher and magaling siyang magturo. Ang kaso nga lang, nakakaantok ang boses niya plus ang dami niyang share na kwento about sa buhay niya. Nang makarating sa parking ay tuluyan na akong nakahinga ng maluwag. At last, makakauwi na. Gusto ko nang matulog agad. "Guys, I received a news. There's a fight on Underground later at 10 in the evening." Bekka said. Hmm, exciting. "What group?" I asked. "Wild Stuff and The Schemer."  tumango na lang ako at tumingin sa paligid. Mahirap na kung may makakarinig sa pinag-uusapan namin. "Gusto niyo bang manood?" I asked, matagal na rin kasi nung huling punta namin sa Underground para manood ng laban. "Why not? Wala naman nang klase." Mhea said, agad namang sumang-ayon ang lahat kaya nagkanya-kanya na kaming sakay papuntang headquarters. Nakakamiss din palang pumunta sa Underground. Sa ngayon kasi ay hindi na kami masyadong nakakalaban dahil ang grupo na namin ang isa sa namumuno sa mga grupo sa Underground.  May dalawang grupo ang namumuno sa kabuuan ng Underground. Ang Queens at Kings. At kami ngayon ang kasalukuyang Queens. Magiging pinuno lamang ang isang grupo kapag nakapasa kayo sa pagsubok na ibibigay ng mga kasalukuyang namumuno. At mapapalitan lamang ang namumuno kapag nakalas o bumaba na sa trono ang Queens o Kings. At kapag nangyari 'yun, saka lang sila mamimili ng papalit mula sa mga grupo na nasa rank 1 hanggang 3. And for the security of Queens ans Kings, at ng bawat grupo sa Underground, tago ang identity at pagkakakilanlan ng bawat isa. At tanging si Messiah lang ang nakakakilala sa Queens at Kings. Si Messiah ang tinaguriang handler ng Underground para mapanatili ang kaayusan kahit wala ang mga pinuno. KILLER BUTTERFLY  'Yan ang pangalan na pinangalagaan namin ng mahigit limang taon. Nakilala ang grupo namin hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.  Pinarada ko na ang sasakyan at dumiretso sa loob ng headquarters. Isa itong bahay na ginawa naming meeting place at pahingahan kapag lumalaban o pupuntang Underground. Agad akong pumunta sa kwarto ko para maligo at magpalit ng damit.  Black dress, black shorts at black boots ang suot ko at pinatungan ko ng leather jacket. Naglagay din ako ng light make up at contacts. Paglabas ko ng kwarto ay nakaayos na rin sila. Lahat kami ay may tattoong butterfly, ang simbolo ng grupo. Ang tattoo ni Bekka ay nasa likod ng kanan niyang balikat, si Mhea ay nasa kaliwang bewang, sa gilid ng kaliwang paa naman si Lorie, si Morie ay nasa ibabaw ng dibdib niya, kay Rae Ahn naman ay nasa likuran at ang akin ay nasa likod ng kaliwang tainga. "Balita ko manonood din daw ang Kings." pagpuputol ni Lorie sa katahimikan. "Finally, naisipan nila." I said at sabay-sabay na kaming lumabas. Alas-siyete na rin kasi natapos ang huling klase namin kay hindi na rin kami nakapagpahinga. Hindi ganun kalayo ang headquarters namin sa Underground kaya agad din kaming nakarating. Pagpasok sa loob ay halos puno na ang arena. Pumunta kami sa pwesto na para sa mga pinuno at mukhang wala pa ang mga hari. "Buti at nakarating kayo." bati ni Messiah ng makarating kami sa upuan namin. Mukhang inaasahan niya talaga ang pagdating namin. "Please be seated, ladies." at saktong pag-upo namin ay siya namang pagdating ng Kings. Agad namang sinenyasan ni Messiah ang mga lalaki na maupo sa gilid namin. "Good evening, ladies." bati ng isa sa mga Kings. Tumango lang ako at tuluyan nang naupo habang si Messiah naman ay pumunta na sa stage para simulan ang laban. "May I have your attention everyone." agad namang tumahimik ang lahat sa sinabi ni Messiah. "Now, we'll witness the battle between Wild Stuff and The Schemer!" muli ay nagsigawan ang lahat.  Rank 10 ang The Schemer habang rank 9 naman ang Wild Stuff kaya naman sabik na sabik ang bawat grupo dahil nasa ranggo ang mga lalaban. Tinawag na ni Messiah ang miyembro ng bawat grupo at bawat paglabas ay paglakas ng hiyawan ng tao. Nang tuluyan ng makapwesto sa gitna ang dalawang grupo ay tumunog na ang hudyat na magsisimula na ang laban. Dapat pala ay kumain na muna ako bago pumunta rito, nagugutom na agad ako. At dahil medyo inaantok na ako, mas oinili ko na lang na umidlip muna bago manood ng laban. Kailan kaya kami makakalaban ulit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD