-Minah's POV- "Princess! Gising na." ano ba naman ang aga-aga pa. "Yes dad!" kahit na inaantok pa ako ay pinilit ko nang bumangon, dagdag bonding na rin namin ni Dad dahil minsan na lang kami magkasama. Pagbaba ko ay naabutan ko si Dad na kumakain na. "Good Morning, Dad." bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi. Niyakap naman niya ako pabalik kaya naupo na ako sa gilid niya at sumabay na sa pagkain. Buti na lang at maayos na ang paa ko dahil hindi naman gan'on kalala ang pamamaga. "May boyfriend na pala ang princesa namin. Hindi ka nagsasabi." kung kailan nakalimutan ko na ang issue about d'yan saka naman may magpapa-alala. "Dad hindi ko siya boyfriend, friends lang kami ni Blake." kontra ko sa sinabi niya. "Okay, sabi mo. Pero princess bagay kayo. By the way, kailangan ko nang umalis

