-Minah's POV- "Minah, can we talk?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Blake at nakita ko siyang seryosong nakatingin sakin. "O-okay." napahinga ako ng malalim. Naglakad si Blake palayo at sinenyasan niya ako na sundan siya. Habang tahimik kaming naglalakad at medyo may distansya sa isa't isa. Pakiramdam ko bawat hakbang ko ay hakbang patungong impyerno. Gusto kong tumigil at tumakbo palayo sa kanya. Gusto kong isigaw na ayokong marinig ang mga sasabihin niya. At ang tanging gusto ko lang ay marinig ang sabihin niya na mahal niya ako. Pero hindi ako huminto, ni tumakbo palayo ay 'di ko magawa. Sinabayan ko pa rin si Blake sa paglalakad hanggang mapunta kami sa seaside. Napatingin ako sa langit, maaliwalas ito at masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin pero h

