-Pink's POV- Naaawa ako kay Green dahil namumula na ang kanyang mukha. Bugbog ang inabot niya kay Black. Marahil ay hindi niya nasunod ang utos ni Black. Naalala ko tuloy ang mga pinaggagawa namin para lang mapahamak si Dark. Lumipat kami ng school para mabantayan ang bawat kilos nila at ang pagtangka naming pagpatay kay Dark na hindi naman natuloy dahil lang palpak ang aming plano. Alam kong magagalit si Black sa ginawa namin. Dahil nagplano kami nang mag-isa at hindi man lang kami nagsabi sa kanya o kahit kaninong myembro. At ito na nga ang inabot namin, lalo na si Green. Buti na kang at kaunting galos lang ang natamo ko. Nakatayo kami ngayon sa harap ni Black at kitang-kita ang galit sa mukha niya. "Kill me now so that you can plan on your own." galit na sabi ni Black at agad na

