-Minah's POV- Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung first date namin ni Blake at hindi rin naman siya sumasablay sa pagti-text sa'kin araw-araw. Gaya ngayon, umagang-umaga kinikilig ako, paano ba naman si Blake kung ano-ano na naman ang sinasabi. "Ang aga-aga mukha kang ewan diyan." kahit kailan talaga 'to si Morie panira ng moment. "Ikaw ba naman araw-araw pakiligin ng isang Blake Ryan Scott, ewan ko na lang kung 'di ka pa mabaliw." dagdag naman ni Mhea. "Bakit ako na naman napansin niyo, pwede naman si Lorie." sakto namang dumating si Lorie at mukhang ka-text si Adrian. "Nakakabaliw pala kapag may mga love life 'yung kasama mo." reklamo ni Morie. "Sabihin mo inggit ka lang." pang-aasar ni Lorie. "Nasan pala si Rae Ahn at Bekka?" tanong ko. "Bumili ng kakainin natin sa pask

