"Ano na naman ba ang problema mo Farah," Ani ko sa kanya. Pasimple naman siyang tumingin sa paligid ng makita niya na nakatingin sina kuya at papalapit na si Hideo samin. Nakita ko pang parang may tinapon siya sakin pero di ko alam kong ano. Bigla naman akong may naramdaman na parang may tumusok sa balikat ko pero di ko na yon pinansin. Nang bigla naman siyang umiyak. "Magtatanong ka pa! Tingnan mo tong pisngi ko hanggang ngayon di pa gumagaling dahil sa pagsampal mo at itong braso ko may pasa pa din dahil sa paghawak mo ng mahigpit," Umiiyak na Ani niya bago pinakita ang pisngi niya na namumula at ang braso niya na nagkukulay violet pero ano daw? "Excuse me? Pati ba naman yan ibibintang mo sakin ha ganyan ka na ba kadesperadang gawin akong masama sa lahat ng tao dito," Naiinis na ani ko

