PAGKALIPAS ng dalawang taon ay naisip ni Gelli na bisitahin ang pinsan niyang si Sheryl dahil sa madalas na pagpaparamdam nito sa panaginip niya. Nalalapit na kasi ang anniversary ng pagkamatay nito sa June 29. “Mahal, are you okay? Nakatulala ka na naman diyan? Iniisip mo na naman ba siya?” nag-aalalalang tanong ni Renz sa kanya pagkatapos ay nakita niyang umupo sa kanyang tabi. “Wala naman, gusto ko lang kasi pagmasdan ang pagbukang-liwayway kasama ka. Saka sana palagi tayong ganito ‘yung tipong walang problema at walang taong magiging hadlang sa pagmamahalan natin,” masayang sabi niya habang nakasandal sa kanyang balikat. Nakaupo lang sila sa sofa sa balkonahe ng kuwarto nila. Magkasama nilang pinagmamasdan ang unti-unting pagsikat ng araw. Tumingin ulit siya kay Renz, at nakita n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


