"Re-Renz? Bakit nandito ka? Akala ko hindi ka na tumuloy rito." Gulat at nauutal na tanong ni Gelli sa kanyang kasintahan. Kita ni Gelli ang lungkot sa mga mata ni Renz at ang pagiging balisa sa kilos nito habang nakatingin sa kanya. Agad siyang lumapit para tanungin, at kumustahin ito ngunit pansin niyang pasimple itong dumistansiya sa kanya. "Tingin ko ay may kailangan kang ipaliwanag sa akin sa mga nangyari sa iyo nitong mga lumipas na araw na hindi tayo nagkita." Seryosong sabi ni Renz habang nakapamulsa ang mga kamay sa kanyang suot na itim na slacks. Nakasuot pa siya ng pormal na damit dahil dumiretso na siya sa bahay ni Gelli upang puntahan kaya hindi na siya nakapagpalit ng kaswal na damit. Ibinuka ni Gelli ang kanyang bibig ngunit walang salitang nais lumabas. Sa sobrang bili

