KASALUKUYANG nasa silid niya si Gelli habang naghahanda ng kanyang susuoting damit para sa kanyang pag-alis papuntang SM Megamall.
Pupunta siya doon upang makipagkita kay Lance dahil inaya siya nitong gumala dahil isang linggo na lang ay babalik na rin daw siya sa ibang bansa dahil pinababalik na ito ng kanyang boss para magtrabaho doon bilang Manager kaya pumayag naman si Gelli.
Pagkatapos ni Gelli na maligo't magbihis ay tumingin siya sa salamin upang tingnan ang kanyang sarili.
Nakita niyang gulo-gulo ang kanyang buhok kaya kumuha siya ng suklay saka sinuklay ito. Naglagay rin siya ng lipbalm sa kanyang natural na mamula-mulang labi at face powder sa kanyang mukha.
"Patawarin mo ako Renz sa kahibangang ginagawa ko pero huli na 'to." Malungkot na sabi ni Gelli sa kanyang isip. Gustuhin man niyang hindi makinig sa dikta ng kanyang isip ngunit hindi niya magawa dahil sa matinding pangungulila kay Bren.
Akala niya ay naka-move on na siya mula sa biglaang pagkawala ni Bren dahil kay Renz ngunit nagkamali siya.
Dahil malaki pa rin ang epekto ni Bren sa kanya. Kahit na alam niyang sa sarili niya na kamukha lang ni Bren si Lance.
Pagbaba niya ng hagdan ay nasa baba naman ang kanyang mommy na halatang inaabangan siya sa pagbaba.
"Anak, talaga bang hindi ka na mapipigilan diyan sa pakikipagkita sa lalaking 'yon?" Nag-aalalang sabi Luz sa kanyang anak. "Ako ang natatakot sa ginagawa mo, paano kapag nalaman ni Renz na nakikipagkita ka sa isang lalaki? At ang mahirap pa diyan sa pinsan pa ni Bren."
"My, sorry kung inilalagay ko po kayo ni daddy sa alanganing sitwasyon. Last na po talaga ito, pinagbigyan ko lang po si Lance na samahan siyang maglibot sa mall dahil humingi siya ng pabor bago siya umalis papuntang Canada." Nagpapaliwanag na sagot ni Gell sa kanyang ina. "Sasabihin ko rin po kay Renz ang tungkol dito pero hindi pa po ngayon."
NAGMAMADALING lumabas si Renz sa store na binilhan niya ng ibibigay na pasalubong kay Gelli.
Hindi niya mapigilang ngumiti dahil makikita niya na rin ang kanyang kasintahan at alam niyang matutuwa rin ito kapag nakita siyang bitbit ang isang box ng crinkles.
Agad niyang kinuha ang susi ng kotse sa kanyang bulsa. Pagkakuha niya ay pinindot niya ang button para i-unlock ang kanyang kotse saka binuksan ang pinto sa driver seat.
Pag-upo ko ay maingat kong inilagay sa katabing upuan ang crinkles. Saka binuksan ang makina ng kotse, at pinaandar ito.
Ilang minuto lang siyang nagmaneho mula Mandaluyong papunta sa Pasig kung saan nakatira si Gelli. Mabuti na lang ay hindi gaanong trapik ngayong Biyernes kahit na rush hour.
Malapit na si Renz sa bahay ni Gelli ngunit nakita niya mula sa malayo na sumakay ito sa kotse na minamaneho ni Mang Roger na drayber nito.
"Saan ka naman pupunta ngayon Gelli? Hindi mo ba binasa ang message ko sa 'yo?" Tanong ni Renz sa kanyang isip habang nakatingin lang sa papalayong kotse ng kasintahan. Parang dinidiktahan siya ng isip at katawan niya na sundan sila.
Dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi na namalayan ni Renz na nakasunod na pala siya sa mga ito.
HABANG nasa sasakyan na minamaneho ni Mang Roger ay naisip kunin ni Gelli ang kanyang cellphone upang tingnan kung nag-text si Lance na nandoon na ito.
Pagbukas niya ng cellphone ay tumambad sa kanya ang mensahe ni Renz.
From: My Prince
Pauwi na ako. I love you! Dadaan ako diyan para bisitahin ka.
Agad siyang nakaramdam ng kilig at lumbay dahil sa mensahe ng kanyang kasintahan ngunit biglang nawala rin ng maalala na makikipagkita nga pala siya kay Lance.
"Sorry Renz, pangako ito na 'yong huli." Bulong ni Gelli sa kanyang isip.
To: My Prince
Ingat ka mahal kong prinsipe. I love you too! Huwag ka ng dumaan sa bahay, kagagaling ko lang kasi sa sakit baka mahawa ka lang. Bukas ka na lang pumunta dahil siguradong magaling na ako.
Mayamaya ay nag-reply agad si Renz sa kanyang text. Pakiramdam ni Gelli ngayon ay napakasinungaling niya dahil hindi naman totoong may sakit siya.
"Sana Renz mapatawad mo ako." Mahinang dasal ni Gelli habang naghihintay ng sagot ng kasintahan.
From: My Princess
Ganoon ba? Sayang, dala ko pa naman ang paborito mong crinkles. Pero ayos lang magpahinga ka na lang para gumaling ka na ng tuluyan. Uuwi na lang ako. I love you my princess!
To: My Prince
Thanks, my prince! I love you too, my prince! See you tomorrow. I miss you!
Pagkatapos niyang i-send ang mensahe ay ibinalik na niya ang kanyang cellphone sa kanyang maliit at itim na sling bag.
Nabasa niyang nandoon na si Lance sa National Bookstore na kanilang pagkikitaan pagkatapos niyang basahin ang mensahe ni Renz.
BAGO umalis si Lance sa bahay ng pinsang si Bren kung saan siya nakikituloy habang hindi pa umaalis papuntang Canada ay kinausap muna niya sa cellphone ang kanyang titang si Claudia na ina ni Bren.
"Hi Tita Claudia! Napatawag po kayo?" Magalang na bati ni Lance sa kanyang tiyahin sa cellphone.
"Lance, balita ko nagkita na kayo ng dating kasintahan ng Kuya Bren mo pero sana naman wala kang naiisip na kung anong gagawin mo." Nag-aalalang sabi ni Claudia sa kanyang pamangkin.
"Tita, huwag po kayong mag-alala wala po akong masamang hangarin. Saka po nagkataon lang noong nagkita kami sa SM Megamall kung saan malimit nilang puntahan noon nila kuya. Alam ninyo naman po na doon din kami ni kuya nagliliwaliw kapag wala na kaming klase noong nag-aaral pa kami ng kolehiyo sa Rizal Technological University hindi po ba?" Nangungumbinsing paliwanag ni Lance kay Claudia.
Inaamin niya na noong unang malaman niyang namatay ang paboritong kuya at pinsan niya ay nagalit siya kay Gelli. Pero noong nalinawan na siya tungkol sa tunay na nangyari ay tinanggap na rin niya.
Isa pa naisip ni Lance na wala rin namang patutunguhan kung magagalit siya kay Gelli.
Noong una't pangalawang pagkikita nila ay hindi sinasadyang nagkita sila. Umpisa pa lang ay kilala na ni Lance si Gelli dahil sa madalas na pinadadalhan siya ni Bren ng larawan nila sa messenger tuwing nag-cha-chat sila. Pati na rin ang pagkukuwento sa kanya ni Bren sa mga lugar na pinupuntahan nilang magkasintahan noong nabubuhay pa ito ay biglang umusbong sa kanya na puntahan ang mga lugar ding 'yon.
Close kasi silang magpinsan, at isa pa bukod sa pagkapareho sila ng ugali ay halos magkamukha rin si Lance, at Bren kaya minsan ay napagkakamalan silang kambal o kaya naman ay magkapatid.
"Okay sige basta Lance ha? Kung makita mo ulit si Gelli maging mabait ka sa kanya. Sige na alam kong abala ka rin diyan. Mag-iingat ka palagi." Paalam ni Claudia pagkatapos ay pinutol na ang linya.
Agad na iniligay ni Lance ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang maong na pantalon upang umalis na papuntang SM Megamall.
Bumaba na siya sa hagdan pagkatapos ay dumiretso na sa kanyang sasakyan. Kinuha ni Lance ang susi ng kanyang sasakyan upang i-unlock. Pagkatunog ng button ay binuksan niya na ang pinto saka umupo sa driver's seat. Pagkabuhay ng makina mayamaya ay pinaandar niya na ang kotse.
Ilang minuto lang ang biyahe na kanyang ginawa mula sa Lifehomes papuna sa SM Megamall. Mabuti na lang ay hindi siya natrapik dahil ayaw niyang paghintayin nang matagal si Gelli sa pagkikitaan nila.
Pagka-park ni Lance ng kanyang kotse sa 2nd floor ng parking lot ng SM Megamall ay dali-dali na siyang naglakad.
Nakarating agad si Lance sa harap ng National Bookstore kaya agad niyang inilabas ang kanyang cellphone upang ipaalam kay Gelli na nasa mall na siya.