CHAPTER 17

1335 Words
NAKATITIG lang ako sa kisame ng aking kuwarto. Habang iniisip 'yong nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay malaki pa rin ang epekto niya sa akin kahit na alam kong malabong maging si Bren ang lalaking 'yon. Simula kasi noong makita ko ang kamukhang-kamukha ni Bren sa Supermarket kahapon ay hindi na ako nakatulog. "Gelli. Anak, gising ka na ba?" Rinig kong tawag ni mommy sa pangalan ko habang kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Agad akong tumayo para pagbuksan si mommy ng pinto. Bumungad agad sa aking harapan ang itsura niyang nag-aaalala, at nahihiwagahan. "Ba't ka ganyan mommy tumingin sa akin?" Kunwaring tanong ko kahit alam ko na kung ano ang nasa isip niya. "Be honest with me, Gelli. May nangyari ba noong pumunta ka kahapon sa Supermarket? Dahil simula noong umuwi ka galing sa pamimili ay hindi na naalis sa mga mata mo ang lungkot." Nag-aalalang tanong niya sa akin. Tumalikod ako, at agad na naglakad pabalik sa kama ko para umupo. Lumunok muna ako ng aking laway bago nagsimulang magsalita. "My, may nakita akong kamukhang-kamukha ni Bren kahapon. Ano pong gagawin ko? Naguguluhan na naman po ako. Alam ko malabong mabuhay pa si Bren pero kasi–." Hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko dahil biglang parang may kung anong bagay ang bumara sa lalamunan ko. Nakatulala lang ako habang nakaharap kay mommy. Naramdaman ko na lang ang unti-unting paglandas ng mga luha sa mga mata ko na hindi ko na napigilan. Ngayon na lang muli nangyari ang nalungkot ako ng ganito dahil sa pangungulila sa isang taong matagal ko ng gustong makita. "Losing someone is not something you ever get over. Sobrang hirap kalimutan mommy ang katulad ni Bren." Malungkot na sabi ko sa aking sarili habang walang ganang nakahiga sa aking kama. "Mahal ko si Renz mommy pero noong makita ko ang kamukha ni Bren, pakiramdam ko muling nabuhay muli ang pagmamahal ko para sa kanya na nagpapagulo ng nararamdaman ko ngayon." Agad na lumapit sa akin si mommy. Pagkatapos ay buong pagsuyo niyang inilagay ang ulo ko sa kanyang mga hita. Animo'y para akong batang paslit na nakayukyok sa kanya. "Anak, alam mo hindi mo kailangang maguluhan sa nararamdaman mo dahil matagal ng patay si Bren, at kailangan mong tanggapin 'yon anak. Saka isa pa nandiyan si Renz na mahal na mahal ka kaya sana anak huwag kang mag-isip ng kung ano lalo na kung may masasaktan kang ibang tao." Makahulugang sabi ni mommy sa akin habang hinihimas ang buhok ko. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit kailangan kong maguluhan pa. "Mommy, alam ko po 'yon hindi ko po kasi talaga mapigilang hindi maguluhan." Nalulungkot na sabi ko kay mommy. "Pero huwag po kayong mag-alala dahil pipilitin kong kalimutan kung anuman ang nararamdan ko." "Anak, hindi mo kailangang mangako. Ang kailangan mo ay gawin mo kung ano ang sa tingin mo ang nararapat mong gawin." Payo ni mommy sa akin. Pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa mukha ko. Unti-unti kong inalis ang mga bagay na nagpapagulo sa isip ko. Kailangan kong makapag-isip ng solusyon sa problema ko. KINATANGHALIAN ay naisipan kong pumunta sa SM Megamall para maglakad-lakad, at makapag-isip-isip. Nagpaalam ako kay Renz na hindi muna papasok sa trabaho bilang secretary niya upang makapagpahinga. Mabuti na lang ay hindi na niya ako tinanong pa kung bakit. Hindi niya pa rin alam ang tungkol sa kamukha ni Bren na nakita ko sa mall noong isang araw. Nakasanayan kong puntahan ang SM Megamall dahil dito kami palaging pumupunta nina Daddy Jorge, at Mommy Luz para mag-bonding tuwing Linggo simula noong bata pa ako. Naalala ko pa sa tuwing pupunta kami rito ni Bren noong nililigawan pa niya ako ay lagi kaming nasa National Bookstore. Pasimpleng tumitingin, at nagbabasa ng mga libro. Kapag naman may nagustuhan akong bilhin ay binibili ko lalo na mga PHR na pocketbooks. Napailing na lang ako upang iwaksi ang pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan. Agad akong dinala ng mga paa ko papunta sa 2nd floor ng SM Megamall kung saan makikita ang National Book Store. Pagpasok ko ay agad akong dumiretso sa mga pocketbooks kung saan mga naka-display ang mga paborito kong PHR pocketbooks. Nakita kong may mga bagong episodes ng Stallion Club, pati Kristine Series ng legendary writer na si Ms. Martha Cecilia. May mga nakita rin akong 3 for 100 ding sale na gawa ng iba't ibang writer na binibili ko dahil kadalasan nagugustuhan ko ang nakalagay sa blurb. Abala ako sa pagbabasa ng nakasulat sa likod ng pabalat ng PHR Gothic ni JS Throb na ang pamagat ay Shared nang biglang may isang braso ang lumitaw sa harap ng binabasa ko. Agad akong napatingin sa paligid ko, at nakita kong wala naman masyadong tao. Kaya inilipat ko ang tingin sa may-ari ng braso na hanggang ngayon ay nasa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko, at munting ko pang mabitawan ang pocketbook na hawak ko. Mabuti na lang ay muli kong naibalik sa ulirat ang kamalayan ko dahil sa gulat na nakita ko na naman ang kamukha ni Bren. "Pasensiya na miss medyo nakaharang ka kasi sa pocketbook na kukunin ko. Kanina pa kasi ako nagsasalita kaso parang hook na hook ka sa binabasa mo." Nag-aalangang sabi niya sa akin. Pagkatapos ay nakita kong kinuha niya ang pocketbook na may pamagat na The Beastly Couple na isinulat ni Ms. Hanuelkim. Hindi ko mapigilang lumunok muna bago magsalita. "Pa-pasensiya na rin kasi di ko narinig ang sinabi mo kanina. Nagandahan kasi ako sa binabasa ko kaya di ko namalayang nandiyan ka pala sa tabi ko." Umusog ako ng kaunti para makasingit siya sa puwesto kung nasaan ako. Mukhang may gusto pa kasi siyang kunin dahil pasulyap-sulyap siya sa puwesto kung saan niya kinuha ang pocketbook. Ilang minuto rin ang dumaang katahimikan nang maisipan kong basagin ito. "Ahhm... Mister," alanganing tawag ko upang kunin ang atensyon niya. "Mahilig ka rin palang magbasa ng pocketbooks." Sumulyap at ngumiti muna siya sa akin bago nagsalita. "Oo dati pa hilig ko na ang magbasa. Di ba nagkita tayo noong nakaraan dito rin sa mall na ito? Medyo nagtataka lang kasi ako kasi sa tuwing makikita mo ako e parang lagi kang nakakita ng multo." "Pasensiya na mister kahawig mo kasi ang dating nobyo ko na namatay dahil sa car accident." Malungkot na sabi ko sa kanya. "Ayos lang. Ang dami kong kamukha e lalo na ang pinsan kong si Bren. Teka para hindi na mister ang itatawag mo sa akin sa susunod na magkita tayo e magpapakilala na ako. Ako nga pala si Lance Alvarez." Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa nabanggit niya ang pangalan ni Bren. Hindi kaya kamag-anak o kapatid siya ni Bren dahil magkaapelyido rin sila? "Ako naman si Gelli Cruz." Nakangiting pagpapakilala ko sa kanya. "Matanong ko lang 'yong Bren ba na sinasabi mong kahamukha mo e si Bren Alvarez?" "Oo siya nga. Bakit kilala mo si Bren na pinsan ko? Sayang nga at namatay rin siya sa car accident katulad ng nangyari sa dating boyfriend mo." "Kilala ko siya dahil siya 'yong dating boyfriend ko na namatay sa car accident na sinabi ko kanina. 'yon ang dahilan kung bakit sa tuwing nagkikita tayo e parang nakakakita ako ng multo." Malungkot na sabi ko habang pinipigilang pumatak ang masaganang luha sa mga mata ko sa pamamagitan ng pagtingala sa kisame kung nasaan ang ilaw. "Ikaw pala ang laging kinukuwento ni Bren sa akin tuwing nag-uusap kami sa cell phone noong nasa Canada ako. Ngayon lang ako nakauwi para makapagbakasyon kasama ang pamilya ko." Kuwento pa niya. "Ganyan talaga ang buhay, una-una lang 'yan. Kailangan nating tanggapin na ang mga taong mahal natin e kinukuha na ni God dahil tapos na misyon nila rito sa mundo." Napatango na lang ako, at napaisip na tama ang kanyang sinabi. Marami pa kaming napag-usapang dalawa habang nasa pocketbook section kami ni Lance tungkol kay Bren. Pakiramdam ko habang kausap ko si Lance ay kasama ko rin si Bren dahil hindi nagkakalayo ang ugali nila na mapagbiro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD