2

2227 Words
Tropang Pvke at Tropang Assassin Koa’s Pov (Tropang pvke) NAKANGISI ako habang nakatitig sa brother in law kong timang na pumunta sa grocery pero wala palang dalang pera. Hayop na ‘to. Sa ‘kin tumawag at sinabi pa na wag ko daw sabihin sa kapatid niya. Dapat kasi nag asawa na ang hinayupak na ‘to para may guluhin siya at wag na niyang guguluhin pa ang buhay ko. Panira siya sa lovelife ko. “Mabuti naman at dumating ka, brother in law. Kanina pa kita hinihintay eh,” sabi niya habang nakangisi. Ngumisi din ako at tumingin ako sa taong kasama niya sa office. Halata naman na manager ito ng grocery store. Babawian ko nga ‘tong hunghang na ‘to. “Kilala mo po ba ang lalaking ‘to?” Tanong ng manager sa ‘kin at talagang tinuro pa si Honey. Nag beautiful eyes pa ang loko. Ngumiti ako sa manager at agad akong umiling. “Hindi ko po kilala yan.” Pagtanggi ko kaya agad nawala ang ngiti ni Honey. Natawa ako dahil nawala ang ngiti ni Honey. “Eh bakit ka po pumunta dito at sumagot sa tawag ng lalaking ‘to kung hindi mo naman po pala kilala?” Tanong ng manager. Hinila ko ang upuan na nasa katapat ng manager at agad akong umupo. “Hoy! Magsabi ka ng totoo. Kaibigan mo ako, asawa mo ang kapatid ko. Batukan kita dyan eh.” Saad niya sa ‘kin at pinakita pa talaga ang kamao niya. Nagpipigil ako ng tawa upang kabahan na muna ang kaibigan ko. Palagi nalang kasi niya akong binubully kaya gaganti ako. “Mag seryoso ka na nga!” Saad pa ni Honey na halatang napipikon na. Hindi ko na kayang pigilan pa ang tawa ko kaya natawa na ako. “Magkano ba ang ninakaw nito?” Tanong ko sa manager. “Hoy! Hindi ako nagnakaw ha! Dapat nga sila ang kasuhan ko dahil pumasok ako sa grocery na ‘to na may wallet, lalabas ng walang wallet. May magnanakaw dito ng wallet. Dapat nga ay ako ang magalit eh.” Saad ni Honey. Mukhang napipikon na talaga siya sa manager dahil hindi na maipinta ang pagmumukha niya. Binayaran ko na lamang upang makalabas na kami ni Honey. Baka dumanak pa ang dugo ng manager na ‘to dito sa office. Nakipag areglo ako sa manager at humingi na din ako ng pasensya pero bago yun ay nag request na muna kami ni Honey na makita ang cctv footage. Pinipilit kasi niya na may nagnakaw daw sa wallet niya. Nang makita namin ang cctv ay doon napatunayan ni Honey na may kumuha nga ng wallet niya. Maging ang dalawa na lalaki ay ninakawan din pala ng wallet, hindi lang si Honey. Napagpasyahan namin na umalis na sa grocery. Nang makalabas kami ay binatukan ko si Honey. “Para saan yun?” Tanong ni Honey sa ‘kin ng mabatukan ko siya. “Kasi nagtataka ako kung killer ka ba talaga o hindi. Hindi mo man lang napansin na na nawawala na pala ang wallet mo at may kumuha.” Pagalit kong sabi. Sa’min magkakaibigan ay siya lang naman ang malakas ang pangdama. Tapos siya din pala ang mananakawan. “Ibig sabihin lang no’n ay hindi basta-basta ang taong kumuha sa wallet ko. Ninakawan din niya ang dalawang lalaki na abnormal.” Sagot niya habang ang mukha niya ay napaka seryoso. “Yung dalawang lalaki sa cctv footage? Bakit mo naman sila tinawag na abnormal?” Nagtataka kong tanong sa kanya. “Abnormal eh.. lalo na yung isa na feeling gwapo. Eh mas lamang naman ang kagwapuhan ko sa kanya.” Naka smirk niyang sabi. “Hay.. ewan ko sayo. May gana ka pang manlait eh isa ka din namang feeling gwapo. Halika na nga! Baka batukan pa kita.” Saad ko saka ako nagsimulang naglakad papunta sa kotse ko na nakaparada lang sa harap ng grocery store. “Wala akong dalang kotse. Ihatid mo nalang ako sa restaurant ni Gallagher.” Utos niya kaya tumango ako at hindi na ako sumagot pa. Pumasok ako sa driver seat habang si Honey naman ay sa passenger seat. Nang makapasok ako ay agad kong binuhay ang makina ng sasakyan at agad kong pinausad. Tahimik lang ako habang pinapatakbo ko ang kotse. Sinunod ko ang utos ni Honey kung saan siya magpapahatid. Ilang sandali lang ay narating ko ang isang restaurant na sa labas pa lang ay masasabi ko ng pang mayaman. “Dito ka nalang ba?” Tanong ko sa kanya. “Oo. Salamat sa pagsundo sa ‘kin kahit nagdrama kang hindi mo ako kilala. Tandaan mo.. gagantihan kitang animal ka.” Aniya na may kasamang pagbabanta. Natawa naman ako at pinakita ko lang sa kanya ang gitnang daliri ko. Lumabas si bayaw sa kotse ko at sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa restaurant. Agad kong pinausad ang kotse ko para makauwi na ako sa bahay. Istorbo talaga ang gagong yun eh. Tatawag tawag pa sa ‘kin eh pwede naman siyang tumawag kay Sid at doon humingi ng tulong. Mahirap talaga maging gwapo sa paningin ni bubuyog. Raizen Pov (Tropang Assassin) PAPUNTA AKO sa bahay nila Ruwi dahil may ibibigay ako sa kanya. Ngunit sa harap ng gate pa lang ay nakita ko na ang dalawa kong kaibigan na para bang nanlilimos. Nakaupo kasi sila sa gilid ng kalsada at nakapangalumbaba. Naglakad ako papunta sa dalawa habang titig na titig ako sa kanila. “Anong nangyari sa inyong dalawa?” Tanong ko kay Salem at Lucifier. Nag angat sila ng mukha at napansin kong namumula ang pisngi nila pero hindi naman bakas ng sampla yun. “Anong nangyari sa mga pisngi niyo?” Tanong ko sa kanilang dalawa. Salem took a deep breath and snorted. “Buntis yata yung prinsesa natin, pinaglilihian na naman ang kapogian ko.” Malungkot niyang sabi kaya napangiwi ako. Wala na naman kasing kwenta ang sinasabi niya. Binatukan naman ni Lucifier si Salem. “Ulol! Hindi ka pinangigilan no’n. Nainis lang satin dahil akala niya hindi tayo nagsasabi ng totoo.” Wika ni Lucifier. “Bakit? Ano bang nangyari?” Kunot noo kong tanong sa dalawa. “Eh kasi.. pumunta kami ng grocery store kanina. Namili kami pero wala ang mga wallet namin. Ayaw maniwala ni Ruwi na ninakaw ang wallet namin eh. Kapag talaga nahanap ko ang kumuha ng wallet namin ni Lucifier ay isa-isahin ko talagang babaliin ang daliri niya.” Saad ni Salem na pinapatunog pa talaga ang daliri niya sa kamay. “Mukha kayong mga pulubi. Tumayo nga kayong dalawa dyan! Nakaharang kayo eh.” Saad ko sa kanila. “Papasok ka ba sa bahay nila Ruwi?” Tanong ni Lucifier sa ‘kin. “Yes! May hinihingi siya sa ‘kin nong isang araw pa. Kailangan kong ibigay sa kanya kung gusto ko pang mabuhay ng matagal.” Sagot ko na lamang saka ako naglakad papunta sa gitna ng dalawa kong kaibigan saka ko sila tinulak. “Tangina naman eh. Dito pa talaga dadaan eh ang lawak ng ibang daan.” Reklamo ni Salem ngunit hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy lang ang lakad ko papunta sa gate ng bahay ni Ruwi. Narinig ko pa ang sinabi ni Lucifier na niyayaya niya si Salem pumunta sa bahay ni Atticus. Mukhang gusto talaga nila mahanap ang kumuha ng wallet nila. Humihina na yata ang pandama ng dalawa at hindi man lang naramdaman na may kumuha ng wallet nila. Atticus Pov (Tropang Assassin) NAGLILINIS ako sa bahay ng biglang tumunog ang doorbell. Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil masyadong istorbo ang taong nasa labas ng bahay namin. Busy pa naman ako ngayong araw. Kanina pa din ako naglilinis ng bahay dahil ayaw kong mapagalitan ni August. Simula ng mag asawa ako ay natuto na akong maglinis ng bahay. Tangina talaga! Akala ko pa naman ako ang magiging boss sa bahay, it’s a prank pala. Makita ko nga lang ang matalim na titig ni August ay talagang nanginginig na ang tuhod ko. Iba kasi ang parusa na binibigay niya sa ‘kin. One week tigang kapag hindi ko nagawa ang gusto niya. Ang saklap ng buhay ko talaga. Naglakad ako papunta sa pinto at tinignan kung sino ang nasa labas. May monitor naman kaya malalaman ko na agad kung sino at kung pagbubuksan ko ba ng gate. Napabuga ako ng hangin ng makita ko ang dalawa kong kaibigan. Nagdadalawang isip ako kung pagbubuksan ko ba sila o hindi. Kay Salem pa lang sasakit na ang ulo ko. Ano na naman kaya ang kailangan ng dalawang ‘to. Wala na akong choice kundi ang pagbuksan sila dahil panay ang pindot nila sa doorbell. Pinindot ko nalang ang button para bumukas ang gate upang makapasok ang mga animal. Sakto lang ang dating nila din sa bahay para matulungan nila akong maglinis. Para may silbi naman sila. Nakita ko silang pumasok sa gate at agad na naglakad papunta dito sa main door. Hinanda ko na ang walis para iabot ko sa kanilang dalawa. Binuksan ako ang pintuan ng main door at bumungad agad ang mukha ni Salem at Lucifier. Inabutan ko agad ang dalawa ng walis na ikinatigil nila. “Nandito naman na din kayong dalawa, tulungan niyo na ako maglinis muna bago kayo magsalita.” Saad ko at inunahan ko na sila. Napakamot naman sa likod ng ulo si Lucifier. “Pambihira! Taga linis na nga ako sa bahay namin, pati ba naman dito sa bahay mo.” Reklamo niya kaya tumawa ako ng mahina. “Bilis na! Maglinis na kayo para matapos na ako.” Saad ko sa kanilang dalawa. “Akala ko pa naman ay kararating mo lang. Naglilinis ka na pala.” Wika ni Salem habang nagsisimula ng maglinis. “Kanina pa ako nakauwi. Saglit lang naman akong lumabas. Ano nga pala kailangan niyo?” Tanong ko sa kanilang dalawa. “Pwede mo bang ihack ang cctv ng isang grocery store?” Tanong ni Salem sa inosenteng boses. “Bakit? Wag niyong sabihin na may magandang cashier do’n at gusto niyong tignan? Isusumbong ko talaga kayo sa mga asawa niyo.” Pananakot ko sa kanilang dalawa. “Gago! Hindi ahh.. ang asawa ko lang ang pinaka magandang babae sa paningin ko.” Naka busangot na sabi ni Salem. “May kumuha kasi ng wallet ko, buddy. Pati yung isang lalaki na may weird na pangalan ay kinuha din ang wallet niya. Kaya gusto kong malaman kung sino ang taong kumuha no’n. Babawiin ko ang wallet ko. Tangina siya!” Inis na sabi ni Lucifier kaya napatango ako. Akala ko pa naman babae ang gusto nilang makita. Hindi na ako sumagot at agad akong naglakad sa sala para kunin ang laptop ko. Unahin ko na muna ang request nila. Nang makarating ako sa sala ay agad kong binuksan ang laptop ko. Sumunod naman sa ‘kin ang dalawa kong kaibigan. Hindi ko na hiningi ang address kung saang grocery sila pumunta. Nagtipa ako at agad na hinanap ang pinuntahan nila. Hinack ko na din ang system ng grocery ng mahanap ko yun. Pinapanood lang ako ng dalawa habang ginagawa ko yun. Pinanood ko lang ang mga anggulo kung saan nakatayo si Lucifier at Salem. Doon ay napansin kong may taong nakasuot ng hoodie jacket. Sa tindig niya ay alam kong lalaki. Kinuha nito ang wallet ni Lucifier ng walang kahirap hirap. Pinagmasdan ko lang ang taong yun hanggang sa may kinuha din siyang wallet sa isang lalaki. “Yan yung taong may weird ang pangalan. Kalalaking tao pero Honey ang pangalan.” Saad ni Salem kaya nailing ako. “Baka nakakalimutan mo si Sweetheart. Weird din ang pangalan ng gagong yun.” Sabi ko habang sinusubukan ireveal ang mukha ng lalaking nakasuot ng hoodie. Kaya kong gawin yun ngunit mabusisi. Ilang sandali pa ay lumabas na ang mukha ng taong nakasuot ng hoodie. “Jack Azurim, 35 years old. Isang miyembro ng assassin sa Dubai.” Pagbabasa ko sa information ng lalaki habang lumalabas ang picture niya at umiikot ito sa screen ng laptop ko. Nagtaka ang mga kaibigan ko kung sino ang taong yun. Kahit ako ay nagtataka din kung bakit niya kinuha ang wallet ng kaibigan ko. Hindi naman lahat ang ninakawan niya. Kung pagnanakaw ang motibo eh di sana lahat ng nag grocery do’n ay ninakawan na niya. Pero hindi. Kaya nakakapagtaka kung bakit niya ginawa ito. Dapat yata ay malaman ‘to ni Ruwi upang imbestigahan. Author's Note: Hindi ko maipapangako na may ud po dito araw-araw dahil mas nakatutok po ako sa mga lock kong story. Free ko lang po ito kasi. Salamat sa pag unawa mga mhie. Pa add po sana ako sa story ni Rufus sa library ninyo. Ang title po ay Kalkalin Mo, Mr. Rufus. May oras kasi ako ngayon pero baka hindi na naman masundan agad ang chapter dito kasi nag lock na naman ang isa kong story. Tatlong story ang inu-update ko sa isang araw at may ginagawa din po ako araw-araw kaya talagang hirap makapag ud din dito kung pipilitin ko pa. Pero pangako ko naman sa inyo na FREE lang ito hanggang sa matapos ko. Hindi ito naka c0ntract dito sa Dreame. Pa follow nalang po ako dito sa Dreame at pa add po sa library ninyo ang story. Salamat po!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD