Habang bumibiyahe kami pauwi sa bahay namin ay hindi ko iniimik si Stone at ganoon din siya sa akin. Sa labas ako ng bintana nakatingin. Kahit ang tingnan siya ay hindi ko magawa dahil sa sobrang inis ko sa kaniya ngayon. Nang makarating kami sa bahay namin ay bumama agad ako. Hindi ko siya nilingon dahil dire-diretso lang ang lakad ko. Imbes na matuwa ako dahil nakauwi na ako ay lungkot ang naramdaman ko dahil nakalock ang pinto ng bahay namin. Hindi ko pa naman alam ang number ni Ate Linda dahil nawala sa isip ko na kunin ang numero niya nang araw na umalis ako. Imbes na tanungin si Stone kung ano ang number ni Ate Linda ay umupo na lamang ako sa upuang kahoy. Maghihintay na lang muna ako ng ilang minuto dahil baka naglakad-lakad lang ‘yong dalawa. “Doon na muna tayo sa man

