ANDREA Kinaumagahan ay masinsinan akong kinausap ni Sir Klient about kay Akrim. Agad binaha ng bagabag ang dibdib ko. Ang akala ko, tapos na. Nagkita kami oo, pero hanggang doon na lang ‘yon. Aalis siya, hindi na ulit kami magkikita at babalik nang muli sa dati ang mga araw ko. Pero habang pinapakinggan ko si Sir Klient, unti unti akong nanlulumo. Kasunod ng pagdagsa ng samot saring agam agam at pangamba sa dibdib ko. “So, tama nga ako ng hinala. Magkakilala talaga kayo,” marahan akong napatango. “Masama ang pakiramdam ko sa tila pag-iimbestiga niya, I am worried for you and Angel,” matiim niya akong tinitigan. Habang naririnig ko ang mga sinasabi ni Sir Klient, lalong kumakabog ang dibdib ko sa kaba. “I know he’s up to something, wala akong tiwala sa kaniya, Andrea.” Puno n

