ANDREA Pilit na ngiti ang naging bati ko kay Nana Delia nang pagbuksan ko siya ng pintuan. Pinagmasdan niya ang mukha ko, alam kong hindi ko maitatago sa kanya ang pamumugto ng mga mata ko. Nakita ko ang awa sa mga mata niya para sa akin. “Ayos ka lang ba, Hija?” ang puno ng simpatya niyang tanong. At hinaplos ang isang braso ko. Muli ay pinilit kong ngumiti saka tumango. Ngunit muling nangilid ang mga luha ko patunay na hindi pa rin naman talaga ako maayos at naiiyak pa rin ako sa tuwing maalala ko yung nangyari. “May mga kukunin lang akong mga gamit ni Akrim, maari ba akong pumasok, hija?” tumango ako at marahang gumilid paalis sa harap ng pintuan. Nagtuloy siya sa walk-in closet. Sinara ko ang pinto at sumunod sa kaniya. Tumayo ako malapit sa b****a. “S-Si A-Akrim, po?” ala

