AKIE Parang ayaw tanggapin ng kalooban ko na nagsinungaling siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Galit ako pero hindi ko alam kung para sa kaniya ang galit ko or dun sa lalakeng kasama niya. Parang pinipiga ang puso ko, nasasaktan ako tang ina! Bakit siya nagsinungaling? Hindi ako mapakali. Kung ano anong senaryo na ang pumapasok sa utak ko. Alam ko kung paano pasimpleng mananching ang gagung Jef na yun eh. So, that night I tried to call and texted her again, ilang minuto na nakakaraan ay wala pa rin reply. Sa call naman ring lang nang ring ang phone niya, hindi niya sinasagot. I didn’t stop. Sinubukan kong i-dial ulit ang phone niya. Nagri-ring pa rin then, she off. Napamura talaga ako. Mahaba naman talaga ang pasensya ko lalo na pagdating kay Andrea, per

