AKRIM Nagkulong ako sa opisina ko, ni-locked ko rin ang pintuan dahil alam kong pupuntahan ako ni Nana Delia. Ayaw ko nang ginagambala ako lalo na’t mainit ang ulo ko. Gusto kong magantabay hanggang sa makuha ko ang resulta ng imbestigasyon. Binuksan ko ang laptop. Tiningnan ko ang cctv, agad ko siyang nakita, sinusubakang buksan ang pintuan. Ginalaw at pinihitpihit ang door knob, hindi niya mabuksan. Then, pinukpok niya ng kamay ang pinto. Hanggang sa pahampas na niya yung kinatok gamit ang mga braso. She doing it repeatedly. Umiiyak siya, sumisigaw rin. Kita kong tila humihingal na siya sa pagod. I put the audio on. “Tulungan niyo ako! Palabasin niyo ako dito! Huwag niyo akong ikulong, maawa kayo sa akin! Tulong! Tulungan niyo ako!” Walang humpay na sigaw niya at iyak

