ANDREA Dalawang araw ang lumipas, may sumundo sa aking sasakyan. Wala siya, may mahalagang meeting daw itong dinaluhan. Medyo nataranta pa ako, sobrang aga naman kasi, kakagising ko lang. Binilisan ko na lang ang kilos. Hindi ako nakatulog kagabi dahil madaling araw na rin akong nakauwi mula sa ospital. Hinintay ko ang pagdating nila Dr. Jazper Ortega. Pinugpog ko ng maraming halik ang anak ko. Halos hindi matapos tapos ang bilin ko kay Aling Nora. Ang bigat ng pakiramdam kong mapalayo sa anak kong wala pang malay. Luhaan akong tinanaw ang pag alis ng ambulansyang magdadala sa kaniya sa Manila. Sa Manila ay kumuha kaming muli ng maayos na apartment na tirahan. At sana nga pagbalik ko, ay maayos ayos na ang lagay at kalusugan ng aking anak. Pagkatapos ng dalawang buwang kasundu

