ANDREA Nagawa akong saktan ng madrasta ko nang malaman nito ang nangyaring pag-aaway ni Jef at Akie sa unibersidad. Apat na magkakasunod na sampal ang sinalo ng magkabilaan kong pisngi. Na agad namanhid at namaga dahil sa bigat ng kamay niya. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak, hinawakan niya ng mahigpit ang bungkos ng buhok ko sa may bandang bangs ko. “Anong meron sa inyo ng Akie na yun, huh? Umamin ka!” Napahiyaw ako nang mas humigpit pa ang pagkakasabunot niya. Pinapaamin niya ako kung may relasyon kami ni Akie, siyempre agad ang pagtanggi ko. “W-Wala po talaga!” Tangis kong sabi. Nanginginig ang labi ko sa takot. “Nilapitan lamang niya ako para magtanong. Niligtas niya ako noon at hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap dahil bigla na lang siyang kinuwelyuhan at sinun

