ANDREA Pagkatapos kong marinig ang pag-uusap ni Nana Delia at Akrim, maraming katanungan at palaisipan ngayon ang namuo sa isipan ko. Base sa narinig ko, parang hindi okay ngayon ang relasyon ni Akrim sa mama niya. At nakakaramdam ako ng lungkot na malaman iyon. Marami siyang pangarap noon para sa mama niya at kapatid na gusto niyang matupad. Alam ko rin kung gaano niya kamahal ang kaniyang ina. Ako ang naging saksi kung gaano siya kalapit sa ina ganun din sa kaniyang kapatid na si Axcel. “Hindi mo ba dadalawin ang anak mo? Kailangan mo siyang dalawin kahit saglit man lang, Akrim. Kawawa naman ang bata at umaasa siyang makita ka ngayong linggo. Kayo lang ng mama mo ang hindi nag-uusap hindi damay dun ang bata,” napaawang ng bahagya ang mga labi ko. Yun din ang napansin ko e. Napa

