HINDI naka-lock ang pinto kaya walang kahirap-hirap na nakapasok si Lyndon sa loob ng kuwarto. Dumapo agad ang tingin niya sa nakahigang babae sa kama habang nakatalikod ito at mukhang pinapatahan ang umiiyak na bata. Bumuntong hininga si Lyndon, kinakabahan siya pero kailangan niya na talagang makita si Kendra. Kaya lumapit siya patungo sa harap at napatingin sa kanya si Kendra. “Larry? Larry, kumusta si Dina?” Napagkamalan pa siya ni Kendra at bumangon pa ito at lumapit sa kanya. “Sabi ko si Dina kumusta siya? anong lagay niya?” mangiyak-ngiyak na sa inis si Kendra. Hindi siya nagsalita at sa halip ay niyapos niya ito. Hindi nakagalaw si Kendra nang mahigpit ang yakap ni Lyndon. “I miss you so much, I miss you so much sweetheart!” Hindi magkamayaw ang yakap ni Lyndon at pinu

