IKAW na naman? ‘diba sabi ko umalis kana? ayaw mong umalis ah! Galit na galit si Kevin kay Larry na bigla rin pumasok sa loob ng gate. May kinuha ito sa loob ng bahay habang si Karl ay tinutulak ang ama palabas ng gate. “Kyle, bilisan mo! harangan mo dito!” malakas na sigaw ni Karl. Tumakbo si Kyle sa gate ngunit napatingala ito at nagkatitigan ang mag-ama. “Anak… Kyle, ako ang Papa mo.” Halos pabulong na sambit ni Larry. “Papa!” bulalas ng bata at mabilis na niyakap ang ama. Yumuko si Larry at niyakap nito nang mahigpit ang anak niya. Iyon ang eksena naabutan ni Kendra nang lumabas siya sa pinto. Hinaplos ang kanyang puso at napaluha siya sa tagpo ng mag-ama. Humagolhol nang iyak si Larry at may sinasabi ito ito sa anak nila pero hindi niya marinig. Sa galit ni Karl ay kumuha ito

