SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, hija? Makailang beses na nagtanong si Mae dahil baka naguguluhan pa si Kendra pero tumango-tango ang dalaga. “Handa kang harapin ang pangungutya ng mga tao? handa mong ipaglaban ang mga anak ko sa habang buhay?” tanong muli ng Ginang. “Parang pari ka naman Mom na nagkakasal kay Kendra.” Singit ni Lyndon. “Tumigil ka nga, hindi biro itong pinapasok ninyo. Mas mabuti pa ay lisanin n’yo na lang itong Isabela at doon na lang kayo mamuhay sa probinsya ng Makiling atleast doon ay respetado kami. Hindi man maiiwasan ang mga tsismis pero atleast nasa balwarte natin doon.” “Your mom is right, sons. Doon na lang kayo napakalaki ng mansyon. Ang mga negosyo mo dito Kendra ibenta mo na lang.” Sang-ayon si Dr. Lorenzo sa sinabi ng asawa. Nanghihinayang si Ke

