SIGURADO ka bang maayos ang mga kapatid ko? Tanong niya kay Lyndon habang papasok sila sa loob ng mansyon. Bitbit ni Lyndon ang bag niya dahil dito umano siya titira habang dinadala niya ang anak nito. Maayos ang setup nila ni Lyndon dahil alam umano ng girlfriend nito na buntis siya. Katunayan ay naroon na sa Paris si Mariel six months pa daw bago ito umuwi. “Kendra?” nagulat si Leonard nang makita siya. Pinaghanda na rin niya itong pagkikita nila ng dalawa pang kapatid ni Lyndon. “What is she doing here, brother?” bakas ang disgusto sa mukha ni Leonard. “Buntis ako at si Lyndon ang ama.” Sagot niya agad. May kung anong hapdi kasi sa dibdib niya dahil hindi natuwa si Leonard nang makita siya lalo pa ang dalang bag ni Lyndon. “W—what? I thought you were taking pills?” “Noong

