CHAPTER #6.

1540 Words
"Uy! Seryoso? Binaon mo talaga tong isang buong palaman ng peanut?" Natatawa kong tanong. Yeah, You heard it right! Roewin rago Arañas it has this attitude. Nagbabaon s'ya ng isang buong palaman, pero ang totoo kaming dalawa lang ang kakain. What an enigma boy! We're was a half of year now. At madami na kaming nalaman tungkol sa isa't-isa, kagaya ngayon. Akala ko nagbibiro lang s'ya sa chat niyang, magdadala ng isang buong palaman. Kung alam ko lang, napigilan ko pa sana. But in the other side, it feels more idolize for him. Yung mga iniisip kong hindi niya magagawa nagawa na niya. "Eh' sa ayaw kong nabibitin ka eh!" seryoso niyang sagot. Napatingin ako ng walang kurap sa kanya. "Oh? Ayaw mo?" Umiling ako at kumuha nalang ng tinapay at saka nilagyan ito ng palaman. Bakit parang iba yung way ng pagkakasabi niya?! Argh! Gutom lang to. "Ok, ka lang?" Tanong niya habang pabalik kami sa room ko. "Huh? O-oo, bakit naman hindi?" Madali niya akong hinila at saka niyakap. Napasubsob tuloy ako sa dibdib niya. ano nanaman kayang pakulo nito?! "Huy, madami talagang nakatingin." nahihiya kong sabi sa kanya, saka ko isiniksik ang mukha ko at niyakap nalang s'ya. "She- sheena..." Pabulong niyang sabi pero narinig ko padin. Marahan kong inangat ang ulo ko para lang makita ang mukha niya na nakatulala sa isang direksyon. Kusa lumuwang ang pagkakayap niya kaya kumalas nadin ako. Ngayon ay dalawa na kaming nakatingin kay sheena na mabilisan ang bawat paghakbang palayo. "Kilala mo si sheena?" Tanong kong nakatingin padin sa direksyon na pinanggalingan ni sheena. "Siguro! Bagong shota ni kuya eh!" Tara hatid na kita sa room mo." Sabi niyang nauna nang maglakad. Pagkarating namin sa tapat ng room ko ay hinawakan niya agad ang kamay ko at niyakap ako. Wala pa naman masyadong tao kaya ok lang. "Sorry sa inasal ko kanina. Galit kaba?" Tanong niya na nakahawak sa pisngi ko. "Hindi naman, nagtaka lang ako sa reaksyon mo." Hinawakan niya ako sa dalawang kamay para iyakap sa kanya, bago ipagdikit ang mga noo namin. Halos magdikit na ang mga labi namin. Kaya napapikit ako nang akala ko ay hahalikan niya ako. Pero sa noo ko lang dumampi ang mga labi niya, At saka ako niyakap ng mahigpit. "Pasok kana." Tumingin ako sa paligid, kaliwa-kanan. Safe! Saka ko siya mabilis na hinalikan sa labi niya at patakbong pumasok sa loob ng room. Grabe! pulang-pula yung mukha ko nang maupo ako. Napayuko nalang ako sa armchair sa kahihiyan. Kase naman eh! Dalang-dala ako sa ka-sweetan, muntik na tuloy kaming langgamin doon. Pabigla akong napa angat ng ulo nang maramdaman kong may padabog na umupo sa tabi ko. Mabilis na yumuko din si sheena sa armchair nang upuan niya nang maabutan ko, kaya hindi na kami nakapag usap hanggang sa dumating na si ma'am. Kaya tahimik nalang akong nagsulat ng pinapa kopya niya sa blockboard. Hindi ko alam kung ano'ng problema namin bakit ganito nanaman yung pakikitungo niya. Minsan naiisip ko bakit pa namin kinakausap ang isa't-isa kung sa tuwing may problema siya 'eh hindi niya naman ako kinakausap. I'd thought we're best of friend. kaso nakalimutan ko classmate lang pala ako. But somehow, at least we we're once friends. Although our friendship is not yet over, maybe it was good enough, And it is good if no more unidirectional feelings, because friendship must be mutual. Hindi pa tapos si ma'am mag discuss nang magring na ang bell, hudyat na tapos na ang class hour. Mabilis kong inayos ang gamit ko para makaalis agad ako. Pero napahinto ako nang higitin ako paharap ni sheena sa kanya. "Gaano ka nakakasigurado na mahal ka nga ni roewin?" Tanong niya habang mahigpit na nakakapit sa braso ko. "A- ano? Teka nga nasasaktan ako!" At mabilis kong iwinasiwas ang kamay niya at saka hinimas ang braso ko. "Ano bang problema mo?" Pa asik kong tanong. Tinitigan niya lamang ako at saka padabog na umalis sa harapan ko. "Ay! sisa part2!" Sigaw ko at napairap nalang sa hangin saka mabilis nadin na lumabas ng room. Walang roewin na bumungad sa'kin paglabas ko kaya hinanap ko pa siya. Naramdaman ko nalang na may malamig na nakadikit sa braso ko. Nanaman! "Oh!" Sabay abot sa'kin ng oversize na four seasons flavor ng milktea. "Bat galit?" "Kiss ko?" sabay hawak niya sa kamay ko. "Ah! kaya pala may suhol! Nice!" Tsaka ko siya kiniss sa pisngi. Kinuha niya muna yung bag ko at saka sinukbit sa balikat niya bago kami naglakad palabas ng school. Napagusapan na namin nung nakaraan na pupunta kami sa kanila at ipapakilala niya na ako. Nung una ayokong pumayag, kaya Hindi ko Alam bakit nandito kami ngayon. Char! "Kitty, where's mom?" "She's in the market" sagot ng kapatid Niya having nakatingin sa akin. "She's ate Michelle, be good to her. Ok?" Sabay tango naman ng kapatid Niya. "Hi, baby" sabay luhod ko pa, para magkatangkaran kami. "I like your eyes." Sabay hawak niya dito, kaya napapikit ako. "And I love your hair baby, it looks like a goldilucks the same as curly as yours." Tulad niya ay ganoon din ang ginawa ko sa buhok niya. Napaenglish pa oh! Iniwan muna namin si kitty sa sala para tapusin ang mga schoolwork niya. "Bye baby." Kaway ko pa bago ako tumalikod. Sabi kase ni roewin strikto daw ang mommy nila kaya malalagot si kitty kung hindi niya matatapos iyon bago umuwi ang mommy nila. Kaya lumabas kami sa may fool area nila. Grabe Ang yaman ah! "Uy, grabe and laki ng bahay niyo noh" komento ko habang iniikot ko ang paningin sa nilabasan naming fool area. Hindi niya ako sinagot. Mabilis niya lang akong hinila patungo sa mga bisig niya. At saka ako mahigpit na niyakap. "Chelle, ginayuma mo ba ako?" bulong n'yang tanong, habang nakayakayap ang mga braso niya sa bewang ko at nakasiksik ang mukha sa leeg ko. "Hooy, baka nakakalimutan mo ikaw nanligaw!" sabay layo ko kunwari sa kanya, pero hindi niya naman tinanggal ang mga braso niya sa bewang ko. "Pero ikaw Yung naging stalker sa'ting dalawa, aminin mo na!" He teased me. "Papa mo stalker!" I exclaimed. "Ah! Ganun!" Sabay kiliti niya sa tagiliran ko. "Hooy!" Saway ko pero hindi siya tumigil, kaya kinalas ko and kamay niya na nasa braso ko padin saka tumakbo. "Huwag ka diyan! may aso diyan!" Sigaw niya, kaya napatakbo ako pabalik. "Gotcha!" Sabi niya nang mahuli ako't bigla nalang yakapin at buhatin. "Ayyyy!!" Tili ko. "Ibaba moko! Roewin ano ba! Isa!" Gigil na sabi ko sa kanya, habang pinagpapa-palo ko ang braso niyang nakayakap sakin pabuhat. Nasa ganoon kaming posisyon nang may marinig kaming ehem, sa likuran namin. "Mommy, bat nanggugulat ka?" Bigla Naman akong kumalas sa kaniya kaya napalingon siya sa'kin. "Mommy, si Michelle po." Pagpapakilala niya sa akin. "Tara na sa loob, Naandiyan na ang daddy mo!" Nag-iwan muna nang isang sulyap sa'kin ang mama Nita bago kami tinalikuran. "Lagot ka!" Dagdag panakot sa'kin ni roewin, nang Makita niyang namutla ako sa ginawang pagsulyap sa'kin ng mommy niya. "Bwisit naman neto!" Sabay pitik ko sa tenga niya. Tinakbuhan tuloy ako. Naabutan namin silang nakapaikot na nakaupo sa pabilog na mess sa dining table. Pinaghila ako muna ako ni roewin ng upuan bago siya naupo sa tabi ko. Bale, si kitty ang katabi ko tapos si roewin tapos papa niya, si tita naman bago Yung kuya niya at si kitty na. "Mom, Dad. Si Michelle po. Girlfriend ko." Basag ni roewin sa pananahimik ng pamilya niya. "Ah! Akala ko Asawa mo na 'eh" biglang Sabi nang daddy niya. "Mommy, look at ate Michelle's eyes it's so pretty po oh! Look! " Singit naman ni kitty. Biglang naginit ang mukha ko sa hiya, nang tingnan nila akong lahat. Kaya dinaan ko nalang sa biro. "Baby, baka nahihilo ka Lang. Sige kain kana." Awkward Kong sabi. grabe parang ayoko nang bumalik dito. Pero nabigla ako sa sinabi ng mama niya. "Be, San ka nagpa extension ng eyelash mo? parang gusto ko din... Daddy samahan moko ah!" Sabay hawak niya sa pilik mata niya. "P-po? Eh.. tita.. kase po hindi po ako nagpa-extension ng eyelash. " Nahihiya Kong sagot sa kanya. "Huh? Eh! San mo nabili yang fake eyelashes mo?" Gulantang Nita pading tanong. "to-totoo po itong pilik mata ko tita.." Grabe pulang-pula na siguro sa hiya tong mukha ko. ba't Naman kasi ito pang pilik mata ko Yung topic eh! Tsk. "A-ah Ganon? Daddy, yung lipstick ko pala nakuha mo na?" Napapa hiyang sabi ng mommy niya. "Wahahaha.." magkasabay na tawa ni kitty at roewin. "Guys, stop it. Respect your mom" matigas na sabi ng daddy nila. "Kayong dalawa, umakyat kayo sa bubong at umpisahan niyo nang magwalis doon." Utos sa kanilang dalawa. "Seriously? Mom?" Hindi makapaniwalang Sabi ni kitty. "MA!!" Maktol naman ni roewin habang nakataas ang kilay niya. "Oh! Edi nataranta kayong dalawa diyan. Saya kayo 'eh no?" Pangaasar ni tita sa kanilang dalawa. Buong lunch na hindi kinibo ni roewin ang mama niya. Kaya nang magpaalam na ako na uuwi na ay bigla niya akong niyakap. "Be, ikaw na bahala magpatino sa anak ko huh! magiingat kayo." Bulong niya sa akin sabay ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD