CHAPTER #7
"Mitch, kelan ba yung exact day ng pictorial naten?" Tanong ni Sena sa'kin.
"I don't know the exact date yet. Just ask anona," As I mentioned our class president.
Parang kelan lang, todo pray pako na sana moving-up na paggising ko. But now, sobrang saya lang talaga na nakakalungkot. Bukod sa mamimis kong pumasok araw-araw, mamimis ko din lahat ng kalokohan ko at ang mga naging parte nang kagaguhan ko. Yung mga teacher at itong school. Nung nakaraan nagkaron kami ng message para sa bawat isa. Akala ko Hindi ako maiiyak kase puro kalokohan lang yung sinabi ng mga classmate ko tungkol sa'kin, pero nang si ma'am na yung nagsalita feeling ko mawawalan ako ng Isa pang nanay. Hindi din ako naiyak sa sinulat ko Kasi puro pangaasar lang naman laman ng message to, pero nung niyakap nila Kong lahat saying na mamimis nila yung kagagahan ko, I swear halos isumpa ko sila sa pamamaga ng mata ko the next day na pumasok ako.
Si sheena? Ayun Hindi na talaga ko kinausap. Hinayaan ko na lang, kahit na gustong-gusto ko s'yang kausapin about sa attitude niya, I chose to be in silent for her privacy. Ayokong mas lumala pa Yung issue, maybe one day I'll get to know where her issues coming from. But for now, peace of mind is my priorities.
And with roewin? I'm always at my tranquil, even his my most annoying guy yet my sweet tender lover. His not my baby, cause I'm his baby. Sobrang spoil ako sa kanya to the point na pati lipstick ko sinuplayan niya ng pang one-year. Ang adik diba.
"Hi, chelle. Congrats in advance sa moving-up." Nakangiting bati ni Miguel sa'kin.
"Uy, classmate. kala ko nagtransfer kana, nandito kapa pala?" Biro ko sa kanya.
"Grabe ka sa'kin, lagi akong nandito. Ikaw lang yung laging wala..." Kumakamot sa batok n'yang sabi.
"just kidding. Hehe.. Ang seryoso mo Naman,"
"Seryoso kaya ako."
" Huh!?"
" Wala... And'yan na yung past perfect mo." Sabay nguso n'ya sa likod ko.
"What..!?" Tanong ko nang may biglang nagtakip sa mata ko.
Bigla Kong kinalas Yung kamay n'ya at niyakap s'ya agad.
"Oh, alam na alam mo na agad ah! Mahal na Mahal mo talaga ko no!?" He proudly said.
"Edi shing.."
"Edi shinggutierez?" Pangga-gago n'ya sa sinabi ko.
"Tanga.. si Edi shinggarcia yon.. wahahaha" Tawa ko sa kanya.
"Mali ka.. si Edi shingguera yon... wahahahahaha" Tawang-tawa n'yang sabi.
" Wala talagang gano.. wahahah talk ka!" Sabi ko tapos naglabas ng lipstick saka s'ya nilagyan sa lips niya.
"Meron kaya!" Pagpilit niya habang inaayos ko Yung lipstick sa lips niya.
"Wala talaga girl.." Tapos nilagay niya yung dalawang kamay ko sa batok niya. Habang Yung kamay n'ya nasa bewang ko
"Meron... Meron akong ikaw.." Sabay smock sa lips ko. Tapos sunod sa ilong ko, sa pisngi, sa noo hanggang buong mukha ko na yung binibigyan niya ng maliliit na halik.
"Hey, stop... Yung lipstick... " Pagpigil ko sa kanya.
Ganun kabilis kong nakalimutan ang mga bagay-bagay basta't nand'yan s'ya, Kasama ko. Kung ga'nu ko nakalimutan Kung sinong kausap ko kanina ay ganoon ko ding nakalimutan na ngayon pala ang uwi ng bruhang si sabina, childhood bestfriend ko. Ngayon pala s'ya nagbiyahe galing Baguio.
"Bruuhhhaa... " Tiling sigaw ni sabina pagkapasok ko sa loob ng bahay namin.
"O, kelan ka pa naging payaso?" Suri ko sa mukha n'yang sobrang kapal ng makeup.
"Gago mo!!" Sabay yakap niya sa'kin.
"Ba't dika nagpasundo?"
"Ayoko lang, hindi ako makakapag moment sa bus pag magkasama tayo noh?!! "
Magdamag lang kaming nagkwentuhan, at sa sobrang haba ng pagkukwnto n'ya Hindi ko na Alam Kung sa'ng parte ng kwento n'ya ako nakatulog.
Araw na ng pictorial. Minakeup-an pa'ko ni sab bago ako umalis.Para retouch nalang daw pagdating ko sa school. Nakakaexcite, at the same time nakakaiyak. pictorial palang to what more pag may Certificate na.
"Michelle..!!" Tawag ni sena. "Girl, ba't ngayon ka Lang?" She exaggeratedly ask.
"Huh? Late naba 'ko masyado?!" Kabado kong tanong.
"hindi pa naman," Sabay ngiting aso n'ya
"ah, so napa-aga 'ko?"
"hindi din,"
"Eh, ano pala?" Inis ko nang tanong.
"Pahiram ng lipstick, nakalimutan ko kase yung akin sa pagmamadali eh!" Sabi n'yang naka pout pa.
"Ayoko!! mamutla ka sana sa moving-up picture mong hayoff ka!!" Gigil kong sigaw sa kanya.
"Hala, grabe ka naman para lipstick lang, e. ang damot mo!!" Sumbat n'ya.
"Pag binato kita ng lipstick d'yan, sabihin mo salamat michelle." Urat kong sabi sa kanya bago s'ya irapan.
Sa sobrang badtrip ko kay sena, dumeretso muna 'ko ng canteen para magpalamig. As in literal na palamig. Nauhaw ako bigla kay bisugong sena, e. Aga! aga! badtrip!
"Ok, in count to tree just take a smile. 1... 2... And 3." Said the photographer.
I said my thank you first to the photographer then goodbye to my advicer and classmate. walang ganap sa graduation. They said they inform us, if when they give us, our certificate or diploma. Sobrang ang lungkot lang, nang dahil sa kto12 hindi kami makakaakyat ng stage. But anyways, it's ok. Meron pa naman dalawang graduation akong a-attend-an.
Ano na kayang mangyayari sa next school year. hindi ko pa din natatanong si roewin kung anong kukunin n'ya. Baka magbasketball nalang yun buong buhay n'ya.
Nagyayang mag gala si sabina kaya kahit naka uniform pa'ko, eto ako. Naglalakad sa mall at naka out-fit ng uniform. Dinaig ko pa tuloy yung nag cut ng class, e. Pati yung guard titig na titig sa'kin. As if naman! Moving-up kaya namin ngayon!!
"Chili, guess what!" Kinikilig n'yang sambit pagkaupo ko sa upuan na paharap sa kanya.
Dito n'ya ko hinintay sa Kfc. Ewan ko ba dito anong trip neto.
"Guess what din!!" Taas kong kilay na tanong.
"Ow! Me first, its now or never." She said in a giggled tone.
"Its now or never," Maarte kong gaya sa kanya. "Gago, walang kang forever. Arte mo!!"
"Hey, ano bang problem mo?!"
"Ikaw na bwiset ka! At itong uniform ko!"
"Wait, why me?!" Turo n'ya sa sarili n'ya.
"Why you?! kase I choose you!! bobo mo!!"
Hindi pa sana kami titigil sa pagsasagutan kung di lang tumawag si Roewin.
"Nasan ka?!"
Oh! bat galit to?! "Nandito kami ni sabina sa kfc. Baket?" Napairap pa'ko nang matingnan si sabinang putla. Sobrang puti kase. Hindi talaga mananalo yung multo sa babaeng to, eh!
"Anong ginagawa mo d'yan? Nandito talaga ko sa labas ng school hinahanap ka!"
"huh? Nagtxt ako ah!"
"NAGTXT KA LANG! PERO HINDI AKO PUMAYAG!" Sigaw niya sa'kin.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Napatayo ako nalang ako at nagmamadaling tumakbo palabas ng kfc. Hindi ko nadin nilingon si sabina na tinatawag ako. Ano bang problema non!?
Sa sobrang bilis ng pagtakbo ko, hindi ko tuloy napansin na may mabubunggo na pala 'ko.
"Mis- Ayos ka lang?" Tanong nung nakabangga sa'kin.
"s**t!! Ano bayan! Bat kase-" Natigilan ako nang makita ko si miguel sa harap ko.
"Uy, Reigh. Sorry hindi kita napansin. Ba't kase nagmamadali ka?" Nakangating sabi n'ya.
"Sige.. Ano.. Una na'ko ah!"Paalam ko saka mabilis na umalis harapan n'ya.
Habang nasa b'yahe ay hindi ko makalimutan ang galit na boses ni roewin. Hindi padin nawawala yung kaba sa dibdib ko habang pabalik ng school, kaya wala padin patid ang pag kaba sa dibdib ko.
Pagkababa ko ng jeep ay nagmamadali padin akong naglakad papuntang exit ng school, kung sa'n niya sinabi ang pinaghihitayan niya sa'kin kanina. Nakailang ikot na'ko pero di'ko padin nakikita si roewin kaya tinawagan ko na s'ya.
Nang hindi ko s'ya makontak ay umuwi na'ko. Ngayon lang s'ya naging ganito kaya hindi ko alam kung anong pwede kong gawin. Babatiin ko na si manong guard ng kausapin n'ya ako sandali
"Oh, ma'am. Hindi pa po ka umuuwi?" He politely ask.
"Pauwi napo kuya, may hinanap lang ako,"
"Ah, Napansin ko din po si sr. roewin bago ka lumabas,"
"Ta-talaga po?"
"Opo, kasama n'ya po yung classmate n'yo na palagi ninyong kasama."
"Ah, ganun po ba.. Sige po uwi nadin ako." Nginitian ko muna s'ya bago ako tumalikod at lumabas ng gate.
"Sige, po ma'am ingat po kayo."
Kagaya ng una, binalewala ko ang narinig ko. Ayokong magtanong baka hindi ko ikatuwa yung magiging sagot. Ayokong matapos lahat dito.
Pinagbuksan ako ng gate ni kuya Arvii, Pagkatapos kong magdoorbell ng mahigit pitong beses. Ang naman neto kahit nakasimangot.
"Kuya, Nand'yan po si roewin?" Tanong nang mabuksan na n'ya yung pinto.
"Wala, hinatayin mo nalang s'ya sa loob." Nakapamulsa n'yang sabi sagot.
Pagkapasok namin ay dumiretso kami ng kusina. Pinaupo n'ya muna ako saka nagoffer ng maiinom.
Akala ko ay iiwan na n'ya ako pagkabigay ng juice n inoffer n'ya, kaya nagulat ako nang maupo din s'ya sa upuan kaharap ng akin. Hindi s'ya nagsalit at ngacellphone lang kaya tumahimik lang ako.
Pareho kaming napatingin kay roewin dahil sa ingay ng paghakbang n'ya. Napatayo ako sa gulat kaya sasalubungin ko sana s'ya, pero napahinto ako nang makita ko ang galit n'yang mukha at naniningkit na mata sa galit.
"Pati ba naman ikaw chelle!" Pagkasabi n'ya non ay nilagpasan n'ya na ako.