CHAPTER #1

981 Words
"Bitchii!!" Tawag saken ni Sheena. Isa sa bff ko sa school. At sa room nadin. Classmate kami since grade seven at hanggang ngayon na grade ten na kami. Nagsasawa nanga ako sa pagmumukha niyan eh. "Oh? Nandiyan palaka, ba't dika nagkokak?" Naglalakad kong sagot sa kanya. "Anlayo ko naman sa palaka!! Salagubang, baka gusto mo!? Actually, I have one here. " Pagbabanta nya habang binubuksan ang maliit nyang bag. "Subukan mo! Gago ka! Sasakalin kita para lumabas yang hika mo." Panakot ko naman sa kanya. Pero ang gaga, hindi natinag at may dala ngang maliit na lalagyan. Kusang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan kaya mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Pero bigla akong Napatigil ng makaramdam ako ng hilo. Naghanap ako ng makakapitan pero wala akong maabot. Sunod kong naramdaman ay ang lupa at ang sakit sa ulo dahil tinamaan pala ako ng bola. "Michelle, ok ka lang? Naririnig mo bako?" Biglang may nagsalita nalang sa gilid ko. Mabilis kong hinawakan yung ulo ko nang makabawi ako sa pagkahilo. Maya-maya pa'y inangat ko ang mukha ko para makita kung sino ang nagsalita. "Nagdudugo yung ilong mo." Natataranta nyang sabi. "Sinu ka? Bat kilala moko?" Pagpapanggap ko. Bat naman kase itong lalaki nato pa! kahit crush ko to, dati! Means hindi na ngayon. Ayoko padin syang makausap noh. "Ako to, si Roewen Rago Arañas. Boyfriend mo. Hindi ka nagiingat baby, yan tuloy nadapa ka." Pa tawa-tawa niyang sabi. Sabay buhat saken. Yung pangkasal. Aba! Sinusubukan ata ako neto ah! "Boyfriend kita? Teka ibaba mo muna ko," Mabilis kong utos sa kanya. "Huh? Baket?" "Che-check ko lang sa listahan ko kung sino ang flavor of the month ko, baka kase may lagnat yang bibig mo." Mataray kong sabi na nakataas kilay pa. "Wow! Kina-career mo naman masyado. Hindi moko boyfriend, pero ok lang kung ikaw ang manliligaw." Tumatawa na sya this time habang sinsabi nya yon. Ang epal din pala. "IN YOUR UGLY, MONKEY,COCKROACH FACE!" Sabay talikod ko at saka nag middle finger bago tuluyang makalayo. Maligo man sya ng isang milyong bote ng pabango hinding-hindi ko sya liligawan noh! Bakit ba ngayon pa kami nagtagpo ng lalaking to! Elementary classmate ko siya pero hindi kami nagkakausap noon, hindi kagaya ngayon. Sana pati ngayong highschool wag nalang din kaming mag-usap! Hindi pala maganda sa pakiramdam. "Oh! Michelle ayos ka lang?" Biglang sulpot naman netong sheena nato. "Hindi, Masaya kana? Peste ka kasalanan mo to eh! Kung hindi dahil sayo, hindi sana ko matatamaan ng bola. Hindi sana kami nakapag-usap nung Rago nayon. "b***h, kalma. Ang hika!" Pang-aasar nya lang. Ganyan yan! Habang napipikon ka hindi ka titigilan. "Isa pang salita mo hihikain ka talaga saken. Baka hindi kana umabot sa simenteryo, dito palang nalibing na kita." Banta ko sa kanya. "Ang init ng ulo, pwede magprito?" Hirit nya pa. Sinaman ko nga ng tingin! Lecheng to! "Oo na, hindi na. Balik na tayo sa room, baka nandon na si ma'am loreto. Kahit boring magturo yon keri na mataas naman magbigay ng grade. Bumalik nalang kami sa room. Hindi ko na inintindi yung ilong ko, hindi naman na dumugo ulit eh. Pagdating namin sa room nagsusulat na si ma'am loreto sa blockboard. Filipino teacher namin sya kaya madalas sulat-sulat lang kami habang nagsusulat din sya sa blockboard. Habang nakatulala ako sa likod ni ma'am, Nakaisip ako ng kalokohan. At dahil tinatamad ako at wala ako sa mood. Mang-gugulo nalang ako. Mabilis kong kinuha yung pentel sa bag ko at nanghingi ng bondpaper sa katabi ko. Swerte meron! Mabilis lang akong nagsulat, kaya kinuha ko na yung tape sa bulsa ng bag ko at mabilis na idinikit sa likod ko. Tinanggal ko yung pony ko at mabilis na niladlad sa likuran. Hanggang bewang naman ang buhok ko kaya hindi talaga mapapansin. Tumayo nako at kinuha ng attention sa mga kaklase ko "Hoy! Bruha san ka pupunta?" Pigil ni sheena sa braso ko. Panira talaga to kahit kelan. "Magla-Live. Ang boring eh" at naglakad nako na parang model. Bahala siyang manghula Diyan! "Ay! Ma'am," Papansin kong tawag para mapatingin saken lahat. Hindi naman ako nabigo. All eyes! See? "Yes, Ms. Velarde?" Tanong nya, habang tinataas-baba yung salamin niya. "Ma'am, ok lng po ba na magvolunteer kahit sino para magsulat sa blockboard. Para po hindi na kayo mahirapan. I suggest our very own ms. secretary po ma'am, si Ms. Girly pante po. Agad na tumayo si girly at lumapit sa tabi ko. Magrereklamo pa sana siya kaso inakbayan at nilakihan ko nga ng mata! Arte pa!? Teachers pet naman! It's showtime baby! Mabilis kong hinawi paharap ang buhok ko, para mabasa nila ang kalokohan ko. YUNG KATABI KO BAD BREATH! SHET! HINDI NA KAYA NG TOOTPASTE! KAYLANGAN NETO TAWAS! At Napuno ng tawanan ang buong silid, See? Told yah! Gising na gising ang mga hunghang eh! Pero panandalian lamang dahil agad na nanaway si ma'am loreto. "Class, keep quite! Ms. Pante sitdown. Ms.velarde, maari bang ikaw nalang ang magsulat sa blockboard? Hindi ko gusto ang sulat ni Ms. Pante" Utos ni ma'am loreto sa'kin. Shems! Karma is real! "ma'am ahm- panget din po ako magsulat. Si an-no, si anona nalang kaya ma'am" utal kong sabi. Malas! Savior, where na you! Gipit na me! "It's ok, ms.velarde. konti nalang naman at tapos na." Mababang boses na turan ni ma'am loreto "Ah! Yun Naman pala ma'am ba't dimo agad sinabi.." Kumukuha ako ng chalk pati libro sa lamesa niya nang makarinig ako ng sunod-sunod na tawanan. Serously? I'm dead! Mabilis akong lumingon sa kanila kaya muntik nadin akong matawa. Shet! Bakit nasa tabi ko si ma'am? Kaya naman pala tawa ng tawa yung mga unggoy. Mabilis akong nagexcuse kay ma'am. Kunwaring dadaan ako sa likod niya pero pasimple kong tinanggal yung bondpaper sa likod ko. Lols... That's called the moves, beh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD