“Hindi na kita hihintayin pa, pakasalan mo ako ngayon.” Napahinto ako sa paglalakad palabas ng villa balcony nang marinig ko ang boses ni Mateo sa likod ko. Hindi siya sumunod agad kanina. Hinayaan niya akong mag isa. Pero ngayon, nandito siya ulit, mas matindi ang tono. Dahan dahan akong humarap sa kanya. “Ngayon?” tanong ko, kalmado. Tumango siya, diretso ang tingin. “Yes. No more delays. No more conditions.” Lumapit siya, may hawak na maliit na kahon. Hindi na ito tulad ng dati. Walang setup. Walang preparation. Diretso. “You’ve been pushing me away,” sabi niya. “You’ve been testing me. Fine. I’ll give you what you want.” Napataas ang kilay ko. “And what exactly do I want?” “A commitment,” sagot niya agad. “Security. Assurance.” Natawa ako ng mahina. “You think this is about se

