“Hindi namin pwedeng i-override ang emergency vote.” Yung boses ni Attorney Salcedo ang unang sumalubong sa akin pagpasok ko sa board room. Nakaupo silang lahat sa mahabang glass table. Hindi na ito normal na meeting. Naka-set up ang microphones, at naka-record na ang lahat ng galaw. Pinaupo ako sa dulo. Hindi dahil doon ako assigned. Kundi dahil gusto nilang ipakita na may control sila ngayon. Umupo ako pero hindi ko sila tinignan isa isa. Sa halip, tinitigan ko yung folder na nasa gitna ng table. “Explain,” sabi ko. Isang board member ang naglakas ng loob magsalita. “May audit trigger mula sa offshore accounts. Your signature appears in multiple approval layers that were not disclosed.” Tumigil ako sandali. “Hindi ko inapprove,” sagot ko. “Then someone used your credentials,”

