“Bakit parang hindi na kita kilala, Ysabel?” Hindi ko napigilan ang sarili ko. Pagkasara pa lang ng pinto ng sasakyan, yun agad ang lumabas sa bibig ko. Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa labas, sa ilaw ng lungsod na dumadaan sa bintana. Tahimik. Masyadong tahimik. At doon ako lalo nainis. “Answer me,” dagdag ko, mas madiin. Dahan dahan siyang lumingon sa akin. Walang bakas ng pag aalangan. “Siguro ngayon mo lang ako nakikita,” sagot niya. Napangisi ako. Hindi dahil natatawa ako. Kundi dahil naiinis ako sa sagot niya. “Don’t play smart,” sabi ko. “I know you.” “Do you?” balik niya agad. Tumahimik ako. Hindi dahil wala akong sagot. Kundi dahil hindi ko gusto ang direksyon ng usapan. “I’ve been with you for years,” sabi ko. “Alam ko kung paano ka mag react. Alam

