“Why are you so upset?” Hindi ko na hinintay na sumagot si Henry. Ako na ang unang umatras, ako na ang unang bumitaw sa pagitan naming masyadong naging malapit. Ramdam ko pa rin ang init ng kamay niya sa tiyan ko, pero hindi na ako yung babae na kanina lang halos humawak sa kanya para hindi bumigay. Huminga ako ng diretso. Hindi mahina. Hindi nanginginig. “Stop looking at me like that,” dagdag ko, diretso ang tingin sa kanya. Hindi siya umatras. Hindi rin siya ngumiti. Nakatingin lang siya sa akin, parang binabasa bawat galaw ko. “Like what?” tanong niya. “Like you think I’m still choosing between you and him.” Tahimik siyang tumitig. Walang sagot agad. Kinuha ko ang tablet sa mesa, binuksan ko ang screen, pero hindi ako nagbasa. Gusto ko lang may hawak ako habang sinasabi ko ang s

