“Anong klaseng kalokohan ‘to, Cynthia?” Hindi ko hinayaan na matapos pa niya yung ngiti niya bago ko ihagis sa mesa yung tablet na hawak ko. Naka open doon ang article. Headlines na parang kutsilyong tumusok sa plano ko. Rumors about Ysabel. Infertility. Questions about the heir. Napahawak ako sa sentido ko. Hindi ito simpleng tsismis. Hindi ito random. This was targeted. “At bakit parang kasalanan ko?” malamig niyang sagot, nakasandal sa pader na parang wala siyang pakialam. Lumapit ako. “Hindi parang. Ikaw ang gumawa nito.” Umangat ang kilay niya. “Proof?” Hinablot ko ang phone ko at pinakita sa kanya ang screenshots ng anonymous tip source. Pattern ng salita. Timing ng release. Alam ko kung paano siya gumalaw. Hindi siya sumagot agad. Ngumiti lang siya. That same smile na ginami

