"Henry, bakit parang ang possessive mo na sa akin lately? Hindi ba dapat si Mateo ang ganito?" Tanong ko habang nakahiga ako sa kama niya sa penthouse, ang kamay niya hinahaplos ang tiyan ko na medyo lumalaki na dahil sa baby. Nakatingin siya sa akin nang diretso, ang mata niya puno ng determination na hindi ko pa nakikita noon. "Kasi gusto ko protektahan kayo ni baby. Si Mateo, may tinatago siya. Nararamdaman ko yun tuwing magkasama tayo." Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. "Ano ba ang nararamdaman mo? Sabihin mo sa akin ngayon. Ayaw ko nang may lihim sa atin." Sabi ko habang umupo ako at tinitigan siya. Naramdaman ko ang tension sa katawan niya, parang may bigat na hindi niya masabi agad. "May proof na ako na si Mateo at si Cynthia, stepsister mo, may affair sila. Nakita ko sila

