"THIS is not right, Michael."
Pilit na binabawi ni Chloey ang mga kamay niya na mahigpit na hawak ni Michael nang mga oras na iyon. "Stop the car now! Hind tama ang ginagawa mo."
Sa sinabi niya ay lalo lang hinigpitan ni Michael ang pagkakahawak sa kanya. Tinignan siya nito nang malalim sa mga mata na para bang marami itong gustong sabihin sa kanya.
"I know what I'm doing, Chloey." ani nito sa seryosong tono.
Umiling siya. "No, Michael. Mag-aalala sakin si Van-"
"Damn it!"
Napapitlag siya nang biglang sumigaw ito. "Don't mention his name while you are with me, Chloey. And I don't give a s**t to him."
"Michael, you're married to high profile celebrity. What if may makakita satin?"
Sa sinabi niya ay nag dilim ang paningin nito. "I don't give a damn. I'll do what I want, Chloey. And you're mine."
Kilala niya si Michael, alam niyang kahit na ano ang gawin niyang pakiusap dito ay hindi siya nito susunduin. Matagal na niyang nakasama ang binata but she never seen him this angry. Halatang galit na galit ito kay Van. Madaming beses na niyang nakita ang galit ni Michael but related sa work at kay Anthon. Pero ngayon, ibang Michael ang kasama niya ngayon.
Van..
Nag-aalala siya para sa binata dahil alam niyang kung saan-saan na naman siya hahanapin nito.
She sighed. Mukhang wala siyang choice kundi sundin muna ang gustong mangyari ni Michael. Dahil alam niyang hindi na siya makakatakas sa binata ay minabuti na lang niyang manahimik muna.
Halos thirty minutes na silang nagba-byahe nang muli siyang magsalita. Nilingon niya ang binata na hawak pa din ang kamay niya at ang isang kamay naman sa tablet nito habang nagbabasa ng financial reports. "Where are we going?"
"You'll see." ani ni Michael na hindi inaalis ang tingin sa binabasa.
Napahugot siya nang malalim na hininga.
BUONG byahe na hindi kinibo ni Chloey si Michael. Wala din siyang idea kung saan siya dadalhin ng binata, halos two hours din silang nasa sasakyan.
Pinagmasdan niya ang kamay nito na nanantiling nakahawak sa kaliwang kamay niya na parang bang ayaw siya nitong pakawalan. Dati tuwing hawak ni Michael ang kamay niya hindi magkandamayaw ang puso niya sa saya. Iba ang saya niya kapag kasama niya ang binate.
Pero iba na ngayon. Yung saya na nararamdaman niya dati ay unti-unting nababalot ng kalungkutan. Sinaktan ng binate ang puso niya na halos hindi na niya makilala ang dating siya simula noong iniwan na lang siya nito at nagpakasal sa iba. Kahit na pinaliwanag na sa kanya ni Michael kung bakit nito ginawa ang bagay na iyon ay hindi pa din madaling mawawala ang sakit ng dulot non sa buong pagkatao niya. Mula sa pagkakatingin sa bintana ay nilingon niya ang binate na ngayon ay busy sa pagbabasa sa tablet nito.
Aaminin niyang Malaki ang pinagbago ni Michael simula ng maghiwalay sila. Kilala niya ang binata sa pagiging vain lalo na sa mukha nito. Pero sa nakikita niya ngayon ay halos ilang araw na din itong hindi nakakapag-ahit at halata na hindi ito nakakatulog ng maayos dahil na din kumapal ang eyebags nito.
Naramdaman marahil ng binate na pinagmamasdan niya ito kaya naman marahan nitong pinisil nito ang kamay niya.
“Michael, let’s go back to Manila.” Pakiusap niya sa binate.
Ibinaba nito ang tablet at saka siya binalingan.
“No, we will not go back until we resolve this.” seryosong sabi nito sa kanya.
“Wala nang kailangan maayos between us. Mich-”
“We’re here. Let’s go.” Putol nito sa kung ano man ang sasabihan niya.
She sighed. Looks like na mahihirapan siyang mapakiusapan niya ito na kusa siyang ibalik sa Manila. Kailangan niyang pag-isipan kung paano siya makakatakas sa binate. Alam niyang nag-aalala sa kanya si Van at ayaw niyang patagalin ang pag-aalala ng binata sa kanya.
Pagbaba nila ng sasakyan ay bumungad sa kanya ang isang malaking bahay na may malawak na garden sa loob. Hinila siya ni Michael papasok sa loob ng bahay.
Hindi niya masasabi na mansion iyon ngunit hindi naman niya mapagkakaila na halatang pinagkagastusan ang interior ng buong sala. Halatang hindi tinipid.
“What do you want, Michael?”
Huminto sila sa sala at tinignan siya ni Michael.
“This is our home, Chloey.”
Kumunot ang noo niya. “I don’t understand this, Michael. Kailangan ko nang umalis, nag-aalala na sakin si Van.”
“f**k!” malakas na sigaw nito. “How many time do I need to tell you not to mention that name?!”
“He’s my boyfriend, Michael. At alam mong matagal na tayong wala simula ng iwan mo ko at magpakasal ka sa iba.”
“Do you really love him?”
Tinitigan niya sa mata si Michael saka siya sumagot.
“Yes.”
“f**k!” galit na sabi nito sabay bitaw ng kamay niya.
Lumapit ito sa table kung nasaan nakalagay ang ang alak at agad na nagsalin sa baso.
“Do you really think na aalis ka dito nang hindi tayo nagkaka ayos? No, Chloey! Hindi ako papayag na mapunta lang sa iba ang tanging babae na Minahal ko.” Ani nito sabay inisang lagok ang alak na nasa baso.
Ramdam niya ang galit nito ng mga oras na iyon. Nakaramdam siya ng pangamba ngunit alam niyang hindi siya nito kayang saktan.
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo ngayon, Michael? May asawa kana, hindi Maganda sa mata ng ibang tao ang ginagawa mo. We need to accept the fact na hindi na tayo pwede. Na kahit na anong gawin mo hindi na tayo babalik sa dati-”
Napapitlag siya ng biglang hinagis ni Michael ang hawak nitong baso sa pader.
“I will not accept this, Chloey. Hindi ako papaya na mawala ka sa buhay ko kahit na ikulong pa kita dito.”
“A-ano?”
Sa narinig ay agad siyang nakaramdam ng kaba. Hindi na nagsalita ang binate at agad siya nitong hinawakan sa braso na pilit niya naman inaagaw sa binate.
“N-nasasaktan ako. Bitiwan mo’ko!” sigaw niya dito.
Ngunit hindi siya nito pinansin at kinaladkad siya nito papunta sa isang room sa second floor.
Agad nitong binuksan ang pintuan saka sapilitang pinasok siya nito.
“Please, don’t do this to me, Michael. Hindi ikaw ‘to. Hindi mo magagawa sakin ang bagay na ‘to.” Pakiusap niya sa binata.
Nguni timbes na sumagot ay mariing siyang hinalikan nito. Ramdam niya ang diin ng magkakahallik nito sa labi niya na halos masaktan na siya nito.
Buong lakas na tinulak niya si Michael para lumayo ito sa kanya.
“Don’t touch me!” sigaw niya dito.
“At sinong gusto mong humawak sayo? Yung Van nay un? Hindi mo siya kilala, Chloey! Hindi siya yung tunay na pinapakita niya sayo! He’s a murderer! Pinatay niya ang sarili niyang pamilya!”
Hindi na siya nakapag pigil pa kaya kusang umangat ang kamay niya at sinampal ito.
“How dare you! Wala kang karapatang sabihin ang bagay na yan kay Van!” galit na sabi niya dito.
Sa buong pagsasama nila ay ngayon lang niya nasigawan at napagbutahan si Michael kaya naman kahit ang binata nagulat sa ginawa niya.
“Ganyan mo ba siya kamahal para saktan mo ko nang ganito, Chloey?”
Tinignan niya ito sa mga mata bago sumagot. “Gagawin ko ang lahat para kay Van. Dahil pilit niya akong hinila pabalik.”
Nakita niya na gumihit ang lungkot at sakit sa mga mata nito. Ngunit maya-maya ay seryosong tinignan siya nito.
“My decision is final. You will not leave our house.”