CHAPTER 03

1191 Words
Zian's Point of View " Di ikaw na gurl ang matalino." -Kumento naman nitong si Gio dahilan para maalis yung asim sa mukha ng mga kagrupo namin. I appreciate it pero nakakainis din siya! Ang sarap niyang sipain sa totoo lang dahil halatang halata na awkward siya at  ang galing niyang kumontra! Nagpapaimpress lang naman ako kay Xander my loves. Ngayon lang talaga lumandi sa tanang buhay ko! Maganda naman daw ako kaso nga lang mataba kaya walang natagtatangkang manligaw saakin "Ayy mga bes alam niyo ba candidate for Suma c*m laude tong babaeng to? Akalain niyo kahit mataba siya?" - pangaasar pa saakin ni Gio kaya siniko ko siya. Narinig ko naman ang pag tawa ng mga kagrupo namin maliban kay Xander my loves. Napasimangot naman ako dahil sa inasta niya. Bakit ba kasi ang cold niya? Pero kahit ganoon gusto ko padin siya Oh diba ang Hopeless Romantic ko talaga "tsk. No one cares" - rinig kong sabi ni Xander. Naku kahit kailan talaga tong lalaking to "Sabi ko nga tsk" - rinig kong sabi ni Gio. Isa din tong baklang to masyadong bipolar. Baliw na siguro to eh "*ehem* My name is Gio Quinto, best friend ko itong si Zian kahit bakla ako may kwenta padin naman ako hindi ako pochu pochung bakla lang. And I believe in the saying that before you judge others look at yourself first baka kasi judge ka ng judge eh mas masahol ka pa pala sa hayop. Hashtag how to be human hashtag paano ba magpakatao  " -  mahabang lintaya ni Gio at napansin ko ang pangiwi ng isa naming kagrupo or kateam. Totoo naman kasi ang sinabi ni Gio eh. Pero depende padin yan sa perspective ng isang tao. The real question is Why do man behave the way they do? simple as that. Napatingin ako kay Xander na para bang wala lang pakialam. He's just starring blankly at us. Yung tipong hindi siya interesado sa mga pangalan namin, kung ano ba ang perspective namin sa buhay yung tipony nakatingin siya sayo pero wala lang. He is really cold as ice. Parehas sila ng kakambal ko. Kung kakambal ko nga ba talaga yun eh in the first place hindi niya naman ako tanggap kinahihiya nga ako diba? Hay nako sana payat nalang ako, yung tipong sexy. Pero kahit wini wish ko na sana payat nalang ako tanggap ko ang sarili ko kasi ito ang binigay ni Papa God saakin na katawan at kung pumayat man ako eh yun ay dahil sa tamang paraan ayoko noong magpapa doctor pa and something gusto ko yung hindi labag sa kalooban ko at yung proper way of diet Tska ano naman kung walang nagkakagusto saakin. I don't care kasi kung mahal ka talaga ng isang tao tanggap ka niya kung ano at sino ka. That's true love My gosh ang hopeless romantic ko talaga Naputol ang pagiisip ko habang nakatitig kay crush ng bigla kong narinig ang boses niya "The name is Xander Vergara I'm sure you already know me. " Well of course sino bang hindi makakakilala sa isang MVP ng Sebastian University na kinahuhumalingan ng halos lahat ng babae kahit sa ibang University pa yan. Oo kahit walang paki alam masyado si Xander sa pagaaral at puro basketball nalang ang nasa isip niya ay never pa yang bumagsak at lahat ng grades niya ay nasa 88 ang average. Oo matalino si Xander a great catch kung baga kasi kahit hindi siya mag aral ay matataas padin ang grades niya paano pa kaya pag nagaral na siya siguro matatalo niya ako. Hayy ewan "So guys! Tapos na ang 20 minutes niyo na pag papakilala! Now let's proceed sa pagpapakita ng talents niyo! Natural summer camp ito so you better show what you've got!" - rinig kong sabi ng emcee at bigla nalang akong siniko ni Gio Teka ano bang problema ng baklang to at naniniko nalang bigla?! "Bakla talent daw oh " - bulong niya at napailing nalang ako. Wala naman akong talent eh maliban sa kumain kaya wala naman akong maipapakita. Pero proud naman ako na kumain lang ang talent ko kasi at least hindi ako iniiwan ng pagkain hindi ba? "So anong mga talent niyo guys?" - tanong ni Gio sakanila at nagsimula na silang mag share *sigh* wala naman kasi akong mashare at wala din akong dapat ishare Ghad! What's wrong with me! Nandito lang si Xander sa harap ko nagiging madrama na ako ng sobra. Get a grip of yourself Zian! Wag kang magpapadala sa emosyon mo! "Ikaw Xander ano pa ang kaya mong gawin?" - tanong ng isa naming kagrupo na babae. He can sing and play the drums Yan sana ang gusto kong sabihin. Stalker na kung stalker pero wala eh crush ko yung tao. Jusko aminin niyo ganyan din kayo sa crush ninyo or sa taong gusto ninyo? "Nah I just play basketball" - Xander at napailing nalang ako mentally. Kahit kailan talaga ayaw niyang sabihin na marunong siyang kumanta at magdrums Kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman? Narinig ko na kasi siya noon na kumanta sa isang music room. Hindi ko siya sinusundan ah! Sadyang napadaan lang ako at doon na ako nagsimulang magka crush sakanya. Ang ganda kasi ng boses niya. "Aww I bet you are good in everything you do"- sabi ng isa naming team mate at pinipigilan ko ang sarili ko na sumabat sa usapan. Naku po! Bakit ba kasi ang gwapo ni Xander at maraming nagkakagusto. He is really oozing with s*x appeal guys "Ikaw Gio what can you do?" - tanong naman ng isa naming kateam kay Gio. "I'm a member of the dance troupè so obviously I can dance" - simpleng sabi Gio. Yup magaling sumayaw si Gio nakakaingit nga eh oo bakla siya pero yung tipong pag sumayaw na siya ay lalaking lalaki ang dating niya kaya marami din ang nagkakagusto kay Gio pero diring diri na siya. Yung tipong ako nalang ang nilalapitan niyang babae Baliw kasi ang baklita eh! Dapat nagpakalalake nalang siya "Etong si Zian di niyo ba siya tatanungin kung anong kaya niyang gawin?" - Gio "Ha?? May talent ka ba gurl? Akala ko kasi isa lang ang kaya mong gawin at yun ay ang kumain" Aray ha! "Ang harsh mo naman gurl. Lahat naman tayo kumakain kaya wag kang ano diyan tska for your information ano naman kung wala siyang talent at least matalino hindi yung walang alam" - saad ni Gio at hinawakan ko siya sa braso. Naku naman "Gio tama na " - bulong ko sakanya at nakita ko kung paano siya umirap "Hindi Zian kung makainsulto kasi kala mo ang daming alam wala naman binatbat pagdating sa academics. Kala mo kung sino nangagamit lang naman ng mga matatalinong estudyante para gawin ang projects at assignments nila o di kaya babayaran ang teacher para makapasa o di naman kaya gagamitin ang mga magulang. Tsk so Cheap pathetic I'm sure magiging kawawa ang mga yan sa future" - dagdag pa ni Gio at nakita ko ang pamumula ng mukha ng babae kaya dali dali akong tumayo at hinila ko na paalis doon si Gio Delikado kasi baka magkagulo pa. Eh eto pa namang baklang to walang inuurungan basta pagdating saakin pero Tanggap ko naman lahat ng judgements nila, ni hindi ko nga sila inaway pero bakit parang outcast padin ako sa eskwelahang ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD