Chapter Three: The Meeting
Rica's POV
"By the way, Rica, hija!"
Nakaka-kaba ang pag tawag sa akin ni Mayor Sanchez. Tungkol kaya kay Kuya Yvo at Aunt Chelsea ito?
"Dugo ba yang nasa leeg mo?" Tanong niya sa akin habang sinusuring maigi ang nasa leeg ko. Malabo ang kanyang mata dahil sa katandaan na rin.
I can see the shook reaction on their faces for sure they know it's kissmark.
Oh dang! Agad kong tinakpan ang leeg ko and started to panic. Nakakahiya talaga!
"I told you not to go there, maraming bugs and insects do'n." Napatingin kami sa nakisabat na yon. It was Eeshan once again!
He opened a balm, insect bites cream ata yon sa India at ipinahid sa leeg ko. Its aroma is so calming.
"Yes Kuya Eeshan, sabi ko rin sa kanya h'wag siyang pupunta do'n kasi may malaking blood sucker, mga kasing laki mo--" sabi naman ni Cassie at tumawa.
They're trying to cover me up so I better shut up baka kung ano pa ang masabi ko. And I can't face them anymore.
Nagpaalam na kami sa kanila iyon na ang pinaka magandang gawin.
~~~~~~
Nakarating na rin kami ni Cassie sa aming room. Ace was already there, wearing his pajama. Nakaupo siya at nag aaral sa study table. Grabe, ang studious niya. Siya kasi ang valedictorian namin sa Winterfield kaya mataas ang expectation sa kanya.
Hindi kami matalino ni Cassie gaya ng mga nakatatanda naming kapatid. Less expectation sa'min kaya no pressure on our part. Halos inubos na nila Kuya Zac at Ate Chari ang lahat at tinira na lang sa amin ay kakaunti.
Pumunta ako ng bathroom para magpalit ng pantulog pagkatapos ay napahiga na lang ako sa isang kama sa sobrang pagod ko.
"Hey, d'yan si Ace, do'n tayo sa kabilang bed." Saway ni besh sa'kin at ngayon lang nagtanggal ng sapatos niya at gown.
"Hey! Sabi na't h'wag kang magbibihis pag nand'yan si Ace."
Hinagis ni Cassie yung camisole niya kay Ace at eksakto naman paharap ito kaya sakto sa mukha niya lumanding yung hinagis ni Cassie.
"Ano naman? Bago ng bago. Si Batla (bakla) lang yan!" Sabi ni Cassie habang isinusuot ang pajama niya.
Hinagis pabalik ni Ace yung camisole ni besh at sabay sabing, "ang asim! Amoy putok pa! Saka wala naman makikita d'yan, flat parang pader."
"Oi, tanggap ko hindi malaki bo0bs ko pero nakakahiya naman sa bad breath mo!" Ganti ni Cassie.
Yan na naman sila, walang araw na hindi sila nag asaran. In fairness kay Ace, siya lang ang bukod tanging nakakapag-salita kay Cassie ng ganyan.
"But don't do that with other men, brat." Seryosong sabi ni Ace kaya natahimik kami. Ang tinutukoy niya ay yung pagbihis ni Cassie sa presence ng ibang lalaki.
"Alright, nerd." Tugon naman ni besh.
"Oh, ano? Kumusta naman college natin?' tanong ko to break the silence.
Dito na huminto si Ace sa pag review at tumabi kay Cassie sa kama and cuddles her. "Sinong bad breath, huh!" Saka binugahan ng hininga ni Ace sa mukha ni Cassie habang mahigpit na niyayakap. Sigaw lang nang sigaw si besh at tuwang-tuwa naman ang loka.
Sobrang clingy nila sa isa't-isa samantalang kami ni Jared, hindi ko rin alam... Basta magboyfriend kami for almost five years.
Kahit sa harap ng parents nila ganyan sila ka-sweet at mag away.
"Ano na? Tuloy ka ba sa Architecture?" Tanong ni Ace sa akin.
Ok lang naman sa akin ang Architecture dahil sa real estate company namin.
"Pinag-iisipan ko pa kung susundin ko si Mom na mag MassCom ako." Sabi ni Cassie. Si Tita Casey pa rin kasi ang dean ng MassCom Dept.
"Hindi ko rin sure kung susundin ko yapak ni Papa, ok lang naman sa akin kumuha ng Economics o Public Administration. Ang problem ko lang, magkakahiwalay tayo--"
Bigla kaming nalungkot na tatlo. Simula first year highschool, magkaklase na kami sa Winterfield, wala na kaming naging ibang kaibigan kundi kaming tatlo lang talaga. May ibang friends pero not as close and strong as this friendship that the three of us have.
Since wala na sina Kuya Zac, Kuya Carl, at Ate Camz sa Winterfield, kaming tatlo nina Ace at Cassie ang pumalit bilang 'Untouchables'.
"Bakit hindi na lang tayo mag teacher?" Suggest ni Ace at wala akong tutol do'n. Gusto ko rin maging isang professional at the same time it's a noble work.
"Sure. Anong major?" Sang-ayon agad ni Cassie. Mukhang serious din siya.
"Edi kung saan tayo magaling, English." Sagot ni Ace.
Mukhang nakapag decide na kaming tatlo. For sure, wala ring tutol ang parents namin kung Education ang kukunin namin.
Akala ko pag tapos ng aming meeting ay makakatulog na ako, lumapit na kasi si Cassie sa tabi ko at yumakap na sa unan. Umpisa pa lang pala ng NBI interrogation.
"So, masarap ba?" Tanong ni Cassie na may ngiting nakakaloko.
"Ang alin?"
"Oh, C'mon besh, we're real life sisters now. Dapat nga sissy na tawagan natin. Alam mo na ibig kong sabihin." Tinuro niya ang leeg ko at pinindot pindot ang humupa ng pasa. Effective yung cream na pinahid ni Eeshan.
I took a deep breath. Kailangan ko rin ipagtapat lahat para na rin sa aking peace of mind. As she said, in-laws na rin kami.
"Sissy, magagalit ka ba if I say 'yes'?" I looked at Ace na nakahiga na sa kabilang kama at mukhang matutulog na.
"Aw sissy! Did he kiss you? Bakit?! Kwento ka pa!" Excited si Cassie akala ko magagalit siya dahil boyfriend ko ang pinsan niya pero sa half-brother ng kuya niya ako nagpahalik.
"Hindi ka ba galit? Alam mo na--"
"No, of course not. Dahil kay Jared? Ilang beses na ba kitang gustong sampal-sampalin? Bakit ka nagtitiis sa pinsan ko? Hay, si Eeshan lang pala magpapa-gising sa'yo sa katotohanan. So, ano? Kayo na?"
"Hala! He just kissed me, gano'n lang."
"Hindi ako naniniwala. Five years kayo ni Jared ni walang kiss tapos itong si Eeshan kakarating lang naka-first kiss agad, hindi ka ba na love at first sight? Admit it, tingin mo hindi ko napansin mga stolen glance mo sa kanya? May hindi ka pa sinasabi--"
"Ok, it seems that I have to confess this. May involvement naman tayong tatlo dito--"
"Is it about Kuya at Tita Chelsea?" Sabat ni Ace. Gising pa pala at nakikinig.
"No way! Sila na ba talaga?"
Tumango na lang ako at ngumiti bilang sagot sa tanong ni Cassie.
"So, anong connect nating tatlo? Ano na nga ba pinag uusapan natin?"
"Si Kuya at Tita Chelsea, saka si Rica at Eeshan." Sagot ni Ace kay Cassie habang nakapikit.
"Oh, yes. So, what's up? Bilisan mo na kasi magkwento para makatulog na tayo."
Ikinuwento ko na nga ang nasaksihan namin ni Eeshan. Hindi makapaniwala si Cassie tungkol kay Kuya Yvo at sa tita ko. Si Ace naman ay parang hindi na nagulat.
"Alam ni Kuya na si Tita Chelsea na siguro ang makakapag-tyaga sa kanya. Sana mag-tino na siya. Well, I can see his changes naman."
~~~~~~~~~
Kinabukasan, maaga ako nagising. Gusto ko salubungin ang sunrise. Ang sarap pa ng yakap ni Cassie sa akin kaya hindi ko muna siya ginising at ipinalit ko ang unan para iyon na ang kanyang yakapin.
Tulog na tulog pa sila ni Ace. Ang lungkot naman kung mag-isa lang ako sa dalampasigan kaya naisipan kong puntahan ang room nila Nanay at kunin si Riel, sakto naman at gising na ito at gusto ring pumunta ng dagat.
Naglalakad kami sa dalampasigan, payapa ang dagat at ang lamig ng hangin. Natanaw ko mula sa malayo ang isang lalaking naglalakad, bagama't nakatalikod, sa kanyang tindig at tikas pa lamang ay alam ko ng siya si Eeshan.
Naalala ko ang ginawa namin kahapon, pakiramdam ko'y wala na akong mukhang maihaharap. Bubuhatin ko na sana si Riel para makabalik na ng cabin bago pa ako makita ni Eeshan, kaso bigla na lang napatili si Riel nang nabasa ang paa niya ng alon.
"Tita Rica, carry me, please." Pakiusap ng cute kong pamangkin kaya binuhat ko nga siya.
Papalayo na sana kami nang narinig kong may tumawag sa pangalan ko. His voice is so euphoric, like an archangel calling my name.
Ano pa ba magagawa ko kundi harapin siya. Lalo dumagundong ang kaba ko nang parating si Mr. Dev Daljeet, ang dad nila ni Kuya Zac. Binatl ko sila ng 'good morning'.
"May I carry my nephew?" He asked while smiling. Ahh his calm voice makes my heart flutters. Ito ba epekto ng first kiss?
Parang mas gusto ko na lang siyang mag-Tagalog para mas nakaka-aliw, litaw kasi ang kanyang mild Indian accent. Kapag English naman ay seryoso at kalmado ang kanyang boses na para bang humahagod sa kaibuturan ng aking puso.
Oh dang. I feel like giggling. Why am I even feeling it?
I'm staring at him blankly kaya kinuha niya na si Riel sa akin. Sumama naman sa kanya ang pamangkin namin at humikab, inaantok pa si Riel kaya hinilig ang ulo sa balikat ni Eeshan para matulog.
"I wish, I'll have a son as cutie as him, or a baby girl--" He looked into my eyes pababa sa aking mga labi, "sana ganda and bait like her nanay." He said and smiled sweetly.
"Hindi naman 'Rica' name nung nanay, nuh?"
"Dad!" Hiyaw ni Eeshan kay Mr. Sev na tumatawa. Marunong din pala siya mag Tagalog.
Buti dumating na sila Kuya Zac at Ate. Babalik na pala si Mr. Sev sa India at magpapa-alam na, sakay ng private plane niya.
Nagpaalam na sila kay Mr. Sev at binuhat niya ang apong si Riel. "Kailan mo ako bigay ng apo? Gusto ko rin ganito kabait." Tanong ni Mr. Sev kay Eeshan.
"Don't worry, Dad. Mujhe pahale hee mil gaya hai." Sagot ni Eeshan na nakangiti at dahil maputi siya, litaw na litaw ang kanyang namumulang pisngi. Napayuko pa siya.
Napatingin si Mr. Sev sa akin at nagsabi ng "I'm glad. I'll wait for the update."
I'm so curious about what Eeshan had said. Ayaw ko man mag assume but I think they were referring to me.
"That's rude, Dad. Don't talk in Hindi when we're around." Sabi ni Kuya Zac, malamang gusto rin niyang malaman kung ano sinabi ng kapatid niya.
"I'm sorry, son. It's something Eeshan cannot say in front of a pretty woman."
"Dad!" Hiyaw ni Eeshan while his face turned more reddish. "Ma-late ka na."
Ano kaya sinabi ni Eeshan? I'm dying to know!
~~~~~~~~~~~~
Charity Chelsea's POV
After ng kasal at 'hulihan' na naganap sa room, niyaya ako ni Yvo na duon na sa room ng parents niya matulog kahit na marami naman extra room pa.
Hindi sana ako papayag dahil nakaka-hiya naman kay Mayor at best friend kong si Ella. Isa pa, sa tagal ko ng pagiging old maid, sanay na akong matulog mag-isa.
Gusto raw ako ipakilala officially ni Yvo sa parents niya. Gusto niya maranasan namin ang traditional na panliligaw. So, tatanggi pa ba ako? Ngayon lang ako makakaranas ng 'meet the parents'.
Si Luis Cruszi talaga ang first love ko kaso bigatin mga rivals ko kaya binaon ko na lang siya sa limot. Napaligiran ako ng ideal men kaya sobrang taas ng aking standard hanggang sa hindi ko namalayan, matanda na pala ako.
Hindi ko akalain na isang araw bigla na lang darating si Yvo sa bahay ko...
---TO BE CONTINUED ---
Pa-follow naman po at comment. Thank you.