Panaginip Napaatras ako sa sobrang pagkagulat. Napaawang ang aking bibig, hindi alam kung paano ipapasok sa kokote ang narinig. "A-Ano?" tanong ko na kapwa nila ikinalingon sa akin. Gulat ang mukha ni Adiane, mabilis na pinunasan ang mukhang napuno ng luha. "S-Shayne..." tawag nito sa akin, namumutla na baka ay may narinig ako. "Anong sinasabi niya, Exe! Sino s-si Criezler? A-Anong pinagsasabi niyo..." Halos hindi ko na mahugot ang mga salita sa aking dibdib dahil parang may bumabara na sa aking lalamunan, sa lagusan ng aking hininga. Sandaling natanga si Exe. Para siyang nawala sa kanyang sarili at litong lito kung ano ang sasabihin sakin. Bumuhos ang sandamakmak na luha sa akin. "N-Niloko niyo ako?" I was panting real hard. Nasapo ko ang dibdib dahil para na itong pinupulupot s

