Hindi ako Hindi ko maipirmi ang aking mga mata. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang nandito ako sa backseat kasama si Exe na tahimik lamang. Nasa front seat ang kanyang Mommy at isinama kaming dalawa pauwi. Ito ang unang pagkakataon na makikita ko ang kanyang pamilya. Na makakapunta ako sa bahay nila. Nilingon ko si Exe. Nasa labas ng bintana ang kanyang tingin, malalim na naman ang iniisip. Hinuli ko ang kanyang kamay kaya iyon ang naging dahilan para lingunin niya ako. "K-Kinakabahan ako." Bulong ko sa kanya at nilingon ang front seat. Napalingon rin siya sandali roon pero ibinalik rin agad sa akin. "No one's gonna bite you there..." sabi niya. "Pero kasi..." Napanguso ako nang tumaas ang kilay niya sakin. Kinakabahan ako baka ano, hindi ako matanggap ng pamilya niya. May m

