Masaya ako Natagalan sa pagbalik si Exe. Nilunok ko ang katotohanang sinundan niya si Adiane dahil nagmamalasakit siya rito. Iyon lang. Dahil alam kong naging parte rin ito ng buhay niya kaya siya nagkakaganyan. Na ayaw niyang nasasaktan ito. Pero alam ko, sa akin parin siya babalik. Ilang minuto akong nanatili sa cafeteria. Iyong kaibigan ni Adiane ay panay lingon na rito sa akin pero agad ring nakukuha ng kasamang lalake ang buo nitong atensyon. Maya maya ay bumalik rin si Exe. Lumiwanag agad ang mukha ko kahit na hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. "K-Kumusta si Adiane?" Kalmado kong tanong. "She's fine. Tapos kana bang kumain?" Umiling ako. "Hinintay kita." Pilit akong ngumiti at ipinamukha sa kanyang hindi ako umiyak kanina. Alam kong ayaw niya ang bagay na iyon. Ka

