Chapter 13

895 Words
“Ivy…” wika ni Amelia, may halong pagtataka at kaba. “Good morning po.” Tumango si Ivy, ngunit may kakaibang tindi ang tingin niya. “Morning, Amelia,” sagot niya, mababa at matalim. “Pwede ba tayong mag-usap?” Napangiti si Amelia ng bahagya, pilit na kalmado. “Opo, saan po?” Hinila ni Ivy si Amelia sa tabi ng fountain, sa isang lugar na tahimik at malayo sa pandinig ni Brent. Huminto sila, at sa unang pagkakataon, nakita ni Amelia ang halong galit at kirot sa mga mata ni Ivy. “Alam mo… hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito ng direkta,” wika ni Ivy, huminga ng malalim. “Pero… tuwing nakikita kita na malapit kay Brent, parang… parang nag-iinit ang dugo ko sa galit at selos.” Napahinto si Amelia. Ang mga salita ni Ivy ay matapang at malinaw, ngunit hindi niya inasahan. “Ivy… hindi ko po sinasadya…” sabay sulyap sa kanya, dahan-dahang pinipilit kontrolin ang kaba “Hindi mo ba naiintindihan? Si Brent… mahal ko siya. At nakikita ko kayong palaging magkasama sa hardin, sa bawat sandali. Parang ikaw ang nagbibigay saya sa kanya, hindi ako.” Napabuntong-hininga si Amelia, ramdam ang bigat sa dibdib. “Ivy… si Sir Brent po ang nagpapasya kung sino ang gusto niyang makasama. Hindi ko po intensyon na saktan kayo o palitan ang lugar ninyo sa kanya,” paliwanag niya, mahinahon ngunit may halong lungkot. Tumingin si Ivy sa kanya, ang mga mata ay may halong galit at kahinaan. “Alam ko… pero mahirap tanggapin parang unti-unti mo rin siyang kinukuha mula sa akin… kahit na hindi mo sinasadya.” Napangiti si Amelia ng malungkot. “Hindi ko po intensyon iyon, Ivy. Ang ginagawa ko lang po ay… tulungan si Brent. Alagaan siya. Hindi pa man sumisikat ang araw nang kumatok si Donya Cynthia sa pintuan ng kwarto ni Amelia, halatang galit na galit sa paraan ng boses nito. “Amelia!” sigaw ni Donya Cynthia, ang boses niya’y punong-puno ng galit. Napabalikwas ng bangon si Amelia mula sa pagkakahiga mabilis na pinag buksan ang ginang kahit nag uunahan ang kaba sa kanyang dibdib. “Mukhang napapadalas na yata ang pag-uusap ninyo ng anak ko,? Nawala lang ako nang isang araw, heto ka’t tila ang saya-saya mo na. Sa tingin ko, kailangan ko nang kumuha ng bagong mag-aalaga kay Brent, dahil wala ka namang naitulong sa paggaling niya!” pasigaw na saad nito. Napapikit si Amelia, ramdam ang mabilis na pagtibok ng puso niya. “Wala akong ginagawang masama, Donya Cythia, si Brent po ang madalas na pakiusapan ako upang samahan siya sa hardin” “Wala?” wika ni Donya Cynthia, huminga ng malalim, ang mukha niya’y napuno ng galit. Hindi mo dapat ginugugol ang araw mo sa kanya, dahil soon aalis kana sa pamamahay na ito dala mo ang pirmadong annulment.!” Tumango si Amelia, nanginginig sa galit, ngunit Mariin pinakalma ang sarili. Donya Cynthia… ako po ay nag-aalaga lang sa kanya. Kailangan po niya ng tulong, at gusto ko po siyang suportahan. Yon lang po ang nais ko” “Pinaalalahanan na kita, Amelia,” mariing sabi nito. “Kahit anong gawin mo—kahit pilitin mo pang pumasok sa buhay ni Brent—hinding-hindi na mangyayari ’yon. Sinasayang mo lang ang pagod mo. Sabagay, umaasa ka pa rin sa ilusyon mong makukuha mo siyang muli. Itatak mo sa kukote mo—hindi na mangyayari ’yon.” “At isang araw,” dagdag pa nito, may mapang-uyam na ngisi, “sigurado akong magugulat ka sa sorpresa ko.”
wika niya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Naiwan si Amelia, tumutulo ang mga luha, marahang naupo sa gilid ng kama habang iniisip kung ano ang tunay na ibig sabihin ng ginang. Simula nang mangyari ang komprontasyon ni Donya Cynthia, kay Amelia biglang nagbago ang kilos ni Amelia. Kapag dumarating si Brent sa sala, kusa na itong tumatayo at nagkukunwaring may inaasikaso sa kusina. Kapag nagtatama ang kanilang mga mata, mabilis niyang iniiwas ang tingin, para bang apoy si Brent na ayaw niyang masunog. Sa bawat pag-iwas ni Amelia, lalo namang kumikirot ang loob ni Brent. Minsan, nadatnan niya itong nag-aayos ng mga bulaklak sa veranda. Tahimik niyang nilapitan, ngunit bago pa siya makapagsalita, umikot si Amelia at mabilis na tumalikod. “Amelia…” tawag niya, mababa ang boses. Pero hindi tumigil ang dalaga. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad, halos nagmamadali, parang may tinatakbuhan—o may iniiwasan sakit. Naiwan si Brent, nakaupo sa wheelchair, tila binuhusan ng malamig na tubig. Bakit siya umiiwas?
May nagawa ba siyang mali?
May nasabi ba siyang nakasakit? Habang pinagmamasdan niya ang papalayong likod ni Amelia, ramdam ni Brent ang unti-unting pagbigat ng dibdib niya. Hindi niya alam kung saan nanggaling at anong dahilan ng pag iwas nito. At ang hindi niya maipaliwanag—kung bakit siya takot na takot na tuluyang lumayo ito. Sa gabing iyon, hindi makatulog si Brent. Pa Balik-balik sa isip niya ang tanong: “Bakit ka lumalayo, Amelia? Ano bang nagawa Kong mali…?” At sa kabilang silid, si Amelia naman ay nakaupo sa tabi ng bintana, hawak ang laylayan ng kanyang damit, pilit pinipigil ang pag-iyak. Dahil kung may isang taong ayaw niyang masaktan, iyon ay si Brent. Pero iyon din ang taong hindi niya maaaring lapitan. Kaya’t mas pinili niyang umiwas—kahit siya ang unang nasasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD