Chapter 1

1234 Words
Hindi napigilan ni Shennise na hindi mapabuntong hininga ng makalabas ng airport habang isinusuot ang sun glasses niya. Tatlong taon na ang nakakaraan ng huli siyang tumapak ng Pilipinas. Kung hindi lang dahil sa pakiusap ng best friend niya na ikakasal, nunka na uuwi sya. Pero napagisip-isip niya ok na rin yun. Masyadong malawak ang Pilipinas para magkita pa sila. Agad naman niyang isinantabi ang nasa isip. Nakalimutan na niya yun. Saka nagpatuloy lumakad. Pagkarating sa waiting area, agad niyang ipinalibot ang paningin para hanapin ang best friend niya. Nagulat nalang siya ng biglang may bumangga sakanya. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga sakanya, napaikot sya. Handa na sana siyang humalik sa sahig kung hindi lang naging maagap ang nakabangga sakanya. Sisinghalan na sana niya eto kung di lang niya nakilala kung sino ang may hawak sa kanya. Sa sobrang gulat niya, agad siyang kumalas sa pagkakahawak nito sakanya. Laking pasasalamat na lang niya na naka sun glass niya. "Shennise! " biglang may tumawag sa kanya dahilan para mapalingon sya. Nang makilala niya agad siyang lumapit para makaiwas sa kaharap niya. "oh my god,Adam! "sabi niya. "I miss you so much!" dagdag pa niya. Agad naman siya nitong niyakap at binuhat saka inikot-ikot. "hmmp....para-paraan ka pa as if I don't know your just using me again, right. "bulong nito sakanya habang yakap siya. Alam niyang nakita nito kung sino nasa likod niya. Hinigpitan na lang niya ang pakakayakap dito, bilang pasasalamat. Si Adam,ang kinakapatid niya s***h best friend niya, ang nakakaalam ng lahat ng sekreto niya. Biglang kumalas ito sakanya saka nilapitan si Aidan. "Aidan, pre!".bati nito ng makalapit. Sumunod na rin siya saka kumapit sa braso. Agad naman sinundan ng tingin ni Aidan ang kamay niya. "kamusta,pre?"kausap ng kaibigan niya. "Okay lang naman, pasensya na kanina,nagmamadali kasi ako. "sabi nito sakanya habang hindi nilulubayan ng tingin. "Okay lang,hindi rin naman ako tumitingin, pasensya na rin"sagot niya. Laking pasalamat na lang niya na nakasalamin siya. Hindi nito makikita ang pagkailang niya. "By the way,pre." "Anung ginagawa mo dito?". "May susunduin ka rin ba?".tanung ng kaibigan niya. "Yeah,I have." "Kamusta na nga rin pala?"tanung nito, na sakanya parin nakatingin. "We're good." "Babe, we're going to be late."sabay sabi niya. "oh sorry babe! " "Pre, we need to go, we're going to be late for the preparation of the wedding."pagsasakay nito sa dahilan niya. " Pasyal ka sa club, if you have some spare time, it seems like you're always busy, man. You need to catch up with the gang, pare."sabay tapik ng kaibigan niya sa balikat nito na hanggang ngayon hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin. Nauna na siyang lumakad sa kaibigan dahil di na niya matagalan ang mga tingin nito sakanya na para bang siya ang may kasalanan. "Yes, of course." "We really need to catch up." sagot nito na umabot pa sa pandinig niya. Na kahit nakatalikod na siya ramdam niyang nakatingin parin ito sakanya. Bigla naman siyang kinilabutan sa sagot nito sa kaibigan. Napaigtad pa siya nang bigla siyang akbayan ng kaibigan ng maabutan siya nito. "Babe,alam mo kahit anung gawin mong pag-iwas sakanya, kung gusto talaga ng Diyos na magkita kayo, magkikita kayo.Wala ka nang magagawa doon. Saka tingnan mo, ilan taon kang nawala sa kagustuhan mong kalimutan siya, pero pagdating mo agad naman kayong pinagtagpo. And it seems like, this is the right time for you."mahabang sabi ng kaibigan niya sakanya. At alam niyang totoo lahat ng sinabi nito.Pagkarating sa condo ng kaibigan agad siyang pumasok sa kwarto. Naggising lang siya sa ingay sa labas ng kwarto. Agad siyang dumiretso ng banyo para maligo "Hey!!! Ang ingay niyo,habang naglalakad papuntang kusina na hindi man lang tinitingnan kung sino ang nasa sala. "Akala ko pa naman,bukas pa ako maggigising".kunwaring yamot niyang sabi. "Hoy!babae baka nakakalimutan mo may kasalanan ka sa'min. Kaya umayos ka dyan. "sagot naman boses na kilalang-kilala niya. Si Themarie, isa sa matalik niyang kaibigan. Agad naman siyang natahimik ng mapansing seryoso ito. Alam niyang galit ito sakanya dahil hindi man lang siya nagpaalam dito noong umalis siya. At nito lang din niya kinontak ng pauwi na siya.Kaya alam niyang galit ito kaya minabuti nalang niyang manahimik. Saka na siya magpapaliwanag pagkatapos ng kasal. "At mas pinili mo pa 'tong unggoy na 'to pagkatiwalaan kaysa sa'kin."tukoy nito kay Adam. Na hanggang ngayon hindi parin pala magkasundo. "At ako nanaman ang nakita mo"si Adam "Isa lang ibig sabihin nun, mas pinagkakatiwalaan niya ako kaysa sayo. "pang-aasar pa nito. Agad namang may lumipad na kutsara na maagap naman nitong nasalo. "Uy,,Themarie, kailan ka pa naging bayolente?"si Camille na ngayon lang niya napansin na andito pala. Saka niya lang naisip na ilibot ang paningin. "O anu,, nagulat ka andito kaming lahat."sabi naman Cath "Anung meron,bukod sa dumating ako?" tanung niya habang inililibot ang paningin. "We're going out".sagot naman ni Vince. "At hindi pwedeng hindi ka kasama."si Phoenix "It's good na nakaligo kana."si Caden "Kain na,para makarami tayo."si Adam "Samahan mo na rin ng konting bilis, ng mabinyagan ka ulit".si Ace habang nilalapag ang mga pagkain sa harap niya. "As if I have other choice "bulong niya.Na narinig pala ni Themarie, agad naman siyang binatukan. "Aba,umaangal ka pa."sabi nito sakanya. "Oo na,kakain na nga diba." "And wear something sexy."si Lean. "Umatake nanaman pagkamanyak mo"sabay batok dito ni Adam. "Namiss ko lang si Shennise."dahilan nito. Di naman talaga 'to manyak. Mukha lang manyak. Nang matapos,agad naman silang umalis. Dating gawi,sa paborito nilang club. She's wearing a simple black dress but it has a slit in her left thigh. Nang makarating sa paboritong table nila. Laking gulat niya na andun lahat ng ibang kaibigan nila. Agad naman siyang pinagkaguluhan ng makalapit siya. Napansing niyang marami nang nainum ang mga ito. "Here, drink this."abot sakanya ni Jace na agad naman niyang tinanggap. Di na siya nagreklamo dahil alam niyang nagtatampo rin ito sakanya "Bakit ba ang tatagal niyo."reklamo naman ni Maurice. Ang pinakataklesa nilang kaibigan. "Eh paano ba naman,hinintay pa namin maggising yan, kung di pa nga kami nag-ingay baka bukas pa yan naggising."agad naman na sagot ni Themarie "Uy,Shennise buttoms up tayo,namimiss ko na yun." "Saka para makahabol ka sa'min."si Rian na kababalik lang galing sa gitna ng dance floor. Agad naman nagsilapitan ang mga kaibigan nila. Gawain na nila yun dati pa. Siya rin ang nagpa-uso sakanila hanggang sa nakagawian na nila tuwing pupunta ng bar. Aayaw sana siya ng magsimulang magsigawan ang mga kaibigan niya. "Sige,pero isa lang huh. Matagal na akong di umiinum eh."sagot niya. Alanganin niyang sabi dahil alam niyang di siya papayagan ng mga ito. "Hoy!Anu ka,siniswerte." "Bilisan mo na nga,dami mo pang dahilan.Wala kang karapatan magdahilan ngayon dahil may kasalanan ka pa sa'min. Kaya umayos ka."si Themarie na naman. Sabi na nga ba eh. Agad naman niyang ininum ang alak na nasa kanya. Sinundan naman ito ni Rian na alam niyang malaki din Ang galit sakanya. Hanggang sa di na niya mabilang kung nakailang shots na siya. "Tara,babe sayaw tayo."aya sakanya ni Adam. Hindi pa man niya nailalapag ang iniinum agad na siya nitong hinila papuntang gitna. Medyo nahihilo na siya pero kaya pa naman niya. Nang mapagod, hinanap na niya si Adam para yayain nang bumalik sa mesa nila. Nang hindi mahanap ito nagdesisyon siyang bumalik mag-isa. Bago bumalik sa mesa nila, naisipan niyang dumaan ng rest room, At dahil may kadiliman sa dinadaanan dagdag pa medyo nahihilo na siya. Hindi na siya nakaiwas nang may mabangga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD