unang misa de gallo

590 Words
AUTHORS NOTE: im back, this coming Sunday, birthday ko na! Thanks G sa madadagdag ko na edad at buhay :) kamusta kayo? Excited na ba kayo sa pasko? For shure, nagulat kayo sa 3 lead casts ng story na to, not familiar, kasi yung 2 boys Hindi artists, si Bella lang yung artista in real life at kailangan ko po sila sa story na to. Pero paalala lang! Wala po akong intension na pasamain yung mga Napili Kong casts sa story, lalo na si lodi Gio, dont get me wrong guys!, im a avid fan of him sa I CAN SEE YOUR VOICE PHILIPPINES at member ako ng fans club niya, its just that, yun ang role na naibigay ko sa kanya at kathang isip lang po ito, ang pagkakahalintulad ng mga karakter sa kwento sa tunay na buhay ay hindi sinasadya ni author. And please! Bata! Oo ikaw bata! Bat mo binabasa ang stories ko? Bawal sa iyo to, magbasa ka na lang muna ng fairytales ok! At dont copy my works, do vote, comment and follow my w*****d account: @TheServant18 Yun lang po at maraming salamat! Lets continue the story :) UNANG MISA DE GALLO  DEDICATED TO: InaroLove salamat sayo.                        MR JUSTIN HENRY ANIO AS EMMANUEL POV 2AM "Nagmamadali akong sumakay ng bus mula Philcoa hanggang St Peter Church, galing ako sa trabaho, sa isang fast food chain, waiter ako dun, taga assist ng customers, at taga linis. Natutuwa akong inalala yung unang pasok ko sa trabaho, akala talaga ng manager namin, ako yung commercial model na mag pipictorial, yun pala magtratrabaho ako doon, may hitsura kasi ako kaya napagkamalan. Kahit yung mga customers namin, mapa babae, lalake, gays and bis at napapatingin sa akin sa tuwing nag serve ako ng inorder nilang food o naglilinis ng kinainan nila. Minsan pa nga nagpapa picture pa sila o kinukuhanan ako ng picture, OK lang naman sa akin, nginingitian ko lang sila, Hindi ko naman kasi ugaling magsuplado. Mga 2:40 ng madaling araw nang makarating ako sa ST PETER CHURCH as usual, nandun na yung mga churchmates ko na matatanda at kabataan nasa room sila pupungas pungas, mga inaantok at kumakain ng padesal at umiinom ng kape. "Oh! Ayan na pala si Bro. Emmanuel." Sabi ni beka, palayaw niya pero Rebecca talaga ang name niya. Sabay abot ng sambuhay na tagalog sa akin para sa buong isang buwan, yung missalette na ginagamit sa misa. Kailangan ko kasi yun pag magbabasa ako ng mga gospel at mga spiels ko sa misa. "Thank you beh!."-nakangiting sabi ko, "Your Welcome", sabi niya at iniwan ko muna sila sa room at nagpunta sa cr para magpalit ng damit pang serve.puting polo shirt na may logo ng st peter church at black pants, black shoes. Pagkabalik ko sa room, nakita Kong seryosong nagprapraktis ng mga kanta sa misa ang mga kabataang choir. Alam ko na, nakita ko kasi si father Anthony, ang aming kura paroko sa kaliwang bahagi ng room, nakaupo sa kahoy na upuan, pinapanuod sila, he is half filipino , half Italian, nasa 50s ang edad, makisig ang katawan at panot at puti na ang kaunting buhok sa ulo, haha sorry for that! Pero mabait yan, pero strict pagdating sa misa at church events. Nung nakita niya akong pumasok sa room, pinatabi niya akong umupo at sandaling kinausap. "kamusta ka nman, iho."-sabi ni father anthony pagkamano ko. "Ok naman po, father, medyo pagod lang sa trabaho."-nakangiti kong sabi. Nagkaunting kamustahan lang kami tungkol sa trabaho ko, sa studies ko, matagal na niyang Alam ang tungkol sa buhay ko and he's proud at me, dahil hindi ko pinababayaan na bumaba ang grades ko, kasabay ng pagtratrabaho sa church at fastfood restaurant." "Mga bata, OK na yan, magbibihis lang ako ng sotana at magsisimula na tayo  ng misa." Sabi ni father Anthony after tumingin sa relo niya at malaman ang oras. Naglabasan na yung mga church mates ko. Yung mga choir members,  pumuwesto sa kanang bahagi at ako sa kaliwa, Saktong Alas 4 ng madaling araw nang magsimula ang unang misa de gallo sa st peter church. Tagalog ang misa at sa simbang gabi ang ingles, medyo sosyal. Nakita Kong dahan-dahang naglalakad sila father kasama ang mga binatilyong sakristan niya  mula sa likod, sa entrance ng simbahan papuntang altar, kasabay ng pambungad na awaiting adbiyento ng aming choir. Nang naghomili na si father, mataimtim akong nakikinig, maganda ang homiliya ngayon ni father, patungkol sa paghahanda sa pagdating ng dakilang mesiyas. Detail by detail niyang pinapaliwanag, with matching life story pa na medyo may katatawanan ang homiliya niya ngayon dahil kung Hindi, mabobored ang mga tao sa misa at aantukin sila. May mga ilan na nga akong nakikitang natutulog sa gilid ng simbahan, dun sa mga mahahabang upuan, observant kasi ako habang nakaupo. Mga tulog mantika nga yung iba haha! May mga magpapamilya, mayayaman sa unahan at mga may kaya sa gitna, yung mga magbabarkada, solo, SMP kung baga dun sila sa likod kasama ng mga masa. Yung mga mag jowa na ginawa nang luneta park ang gilid na upuan ng simbahan, katabi ng mga natutulog, ayun! Naghaharutan! At siyempre di nawawala ang mga out of this world na mga maninimba gaya ng hypebeast na parang saranggola sa laki ang polo shirt haha, mga emo na naka all black gaya ni kuya na umeksena sa simbahan kagabi at mga masang tao, yung mga mahihirap tulad ko. Pagkatapos ng unang miss de gallo, ano pa nga ba? Puntahan na yung mga tao sa mga maliliit na tindahan ng puto bumbong at bibingka, kakanin sa labas ng simbahan, yung iba kumakain, yung iba nag take out. Alam na alam ko yan, sa taun taon ba namang pagsisimbang gabi namin ni mama o misa de gallo, naiba lang noon dahil noon pati simbang gabi palaktaw laktaw ko nang attenan dahil sa sunud sunod na ojt sa commonwealth high school, as filipino, 2nd year teacher, yung trabaho ko sa fast food restaurant at sa church. Naintindihan naman nila father ang kalagayan ko noon kaya ang ginawa ng mga churchmates ko, kinuha nila yung ilang simbang gabi at misa de gallo na di ako pwedeng mag commentator/lektor at sila ang halinhinang gumawa noon. At ngayon  makakabawi na ako sa kanila dahil thesis at defense na lang ang pagtutuunan ko ng pansin. JIRO POV "YOU KNOW GUYS? THIS IS BULL s**t! THIS IS BULL-s**t! NAGPUPUYAT KAYO SA WALANG KA KWENTA KWENTANG MISA DE GALLO NA YAN!."-medyo pasigaw kong sabi sa mga friends ko. "Uy, jiro! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo! Nasa labas ka pa ng Tahanan ni Lord!."-sabi ng best friend kong si Arthur, kaakbay yung girlfriend niya. "WHATEVER!"-sigaw at asik kong sabi. Hindi sana ako sasama sa mga to eh! Pinilit lang nila ako at nila mom at dad. Ayoko bang magsimba! Ayoko nang nagdasal sa Kanya! Ayoko!." "Aalis na ako!"- walang gana Kong sabi sa mga kaibigan Kong busy kahaharot sa mga girlfriends nila. Pagkadating ko sa bahay, diretso ako sa kwarto ko, gusto Kong matulog, sa madilim at malungkot Kong kwarto. Nakita ko na naman sa tabi ng lampshade, ang nakangiting picture ng yumao kong girlfriend na si Carla. Kinuha ko ito, niyakap, hinaplos at hinalikan. At sinabi,"Carla, I miss you so much..." :'( At kasabay nito ang pagtulo ng masaganang luha sa aking mga mata.ITUTULOY. AUTHORS NOTE: Oh ano guys? Ok ba? Sabaw pa ba? Ano kayang mangyayari pag nag krus na ang mga landas nila JiroXEmmanuel ? Magiging langit kaya? O impiyerno? Well, malalaman nyo yan sa mga susunod na chapters. But for now, nagpapasalamat po ako sa pa birthday at maagang pamaskong follow, vote, comment at paglalagay ng stories ko sa w*****d library nyo, huwag sana kayong magsawa, hanggang sa muling update! Mwah! :) <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD