Damn it, I don’t want this.
I then flinched when I felt her hand on top of mine and as I look at her and welcomed me with an understanding smile.
Nawala naman ang namumuong bigat sa dibdib ko at marahang pinisil ang kaniyang kamay pabalik.
"What do you think, Khatalina?"
Napakunot naman ang noo ko sa president naming si Noah.
"Ako? Why?" tanong ko sa kaniya.
Napatawa naman siya saka sinabing "Well, I just want to know what you think about our plans? It would be nice to know your opinion since mayroon ka ng experience sa mga ganitong bagay".
" Oo nga, you definitely know what to do," gatong naman ni Renzial.
Napatingin naman ako sa kanilang lahat na nakatingin sa akin na para bang inaabangan nila iyong sasabihin ko. I am not even the vice president, why are they asking me first.
"Uhm, I think we should listen to what the vice president has to say first..." saad ko saka tinignan si Pauline.
Nginitian naman ako ni Pauline at sinabi iyong suggestions niya.
Mabilis nalang namin tinapos ang meeting at hindi ko nalang inintindi ang nakakailang na tingin ni Renzial during the meeting.
"Mauna kana muna sa room, mag banyo lang ako," sabi ko kay Pauline habang nakaturo sa banyo sa may dulo ng hallway nang makalabas kami ng room na tinanguan niya lang saka nagpaalam na sa akin.
Naglakad naman na ako papunta roon sa may banyo pero agad ding napahinto nang makarinig ako nang humahabol sa akin at kalaunang paghawak sa wrist ko.
"K-Khatalina..."
Napapikit ako naman ako nang mariin at hindi siya hinarap.
"U-uhm, I know you're busy but do you have any f-free time this week?" He asked.
C'mon, don't do this to me…
"Why?" I asked.
"D-do you want to go out with--"
"Aray!!" sigaw ko saka hinawakan ang puson ko.
"B-bakit, anong nangyari?!" Nagpa-panic na tanong ni Renzial.
Nagpatuloy lang ako sa pag-arte at sinenyasan siya na okay lang ako kahit nakahawak parin ako sa puson ko saka tumakbo na sa banyo.
"Are you okay?! Do you want me to get you something?!" sigaw niya mula sa labas ng banyo.
"No, thank you! Mauna kana. Don't worry!" sigaw ko sa kaniya.
"Are you sure? Do you want me to wait for you here? Dalhin ba kita sa clinic?" sunod-sunod at tila nag-panic parin na tanong niya.
"No, no, it is fine! Mauna kana-- aray! Mauna kana! Girl thing! Masakit puson ko!" palusot ko pa at inartehan ang boses ko na para bang nahihirapan.
"S-sige..." sagot niya saka ko naman narinig iyong hakbang niya palayo sa banyo.
Napabuntong hininga naman ako at napasandal sa may lababo.
I then look at my reflection in the mirror. My long pin-straight black hair is a little messy as well as some beads of sweat started forming around my forehead.
I hurriedly tied my hair with a hair tie then splash my face with water. I then bit my thin lips as I shut my eyes closed.
"Not again..." I uttered whispering and reach out for a paper towel and pat my face dry with it. Pinunasan ko rin iyong ilang strands ng buhok ko na kumawala sa pagkakaipit ko at nabasa nang maghilamos ako. Mabilis ko nang inauos ang sarili ko saka napagdesisyonang bumalik na sa classroom...
I’ve had the same situation before with my friend, Sasha who the leave me just because a guy he likes started giving attention to me instead of her despite me rejecting that guy.
"Good morning, class," bati ni Mr. Ramon nang makapasok siya ng classroom.
Binati rin naman namin siya saka nakinig na sa kaniya.
"Okay, Section One, we have a new student-- tara, Hijo, pasok ka," Mr. Ramon said and waved his hand as a sign to the person at the front of our room to come in.
A guy then walks in just around 5 inches taller than me wearing a clean and new uniform of Cypress University which is a white polo shirt paired with red pants and a coat. His hair is neatly bushed up with I assume to be hair gel.
So neat.
He has a long and thin eyebrow, a pointed nose, thin lips, and brown eyes. What a great image.
"Someone's checking on the new boy..." Pauline whisper beside me causing me to look at her in disgust.
"Please, introduce yourself," Mr. Ramon said.
The new kid started roaming his eyes and started introducing himself.
"Good morning, I am Jaxen Caztillano. 18 years old. I am from Crimson University..." He started.
"It's always the new kid who's good looking"
A smirk escapes from my lips trying not to laugh as I heard Andrew's utter who is just sitting in the back of my seat. Tama naman siya. Cliché.
"Why did you transfer here at Cypress?"
I then look again at the new kid; Andrew wasn't wrong though. I bit my lips as I tried to refrain from smirking.
The new kid's eyes then stop roaming and look straight into my eyes taking away my smirk.
"I feel like I would enjoy here," he answered still looking at me.
Why the heck is he looking at me? Do we know each other? He's not familiar though...
I revoked my gaze at him and just focus on my textbook.
Patuloy lang siyang nagpakilala hanggang sa paupuin na siya ni Mr. Ramon sa bakanteng upuan sa tabi ni Pauline making Pauline sits between us.
"Now that I have that aside, I prepare--"
"WAAAHHHH NOOOO!!"
Hindi natuloy ni Mr. Ramon iyong sasabihin niya as we already expect that it was a quiz. He always starts his announcement along those lines whenever he prepared an overwhelming quiz for us.
"Well, pilitin niyo akong hindi kayo mag-quiz. C'mon, give me some valid reason," Mr. Ramon said as he leans against the whiteboard.
"How about a game, Sir?" one of my classmates suggested na siya namang sinang-ayunan ng iba.
"Yeah! By group or something!" sabi pa ni Andrew.
Napatingin naman ako kay Mr. Ramon na siya namang nakatingin narin pala sa akin.
He smiled and nods his head slowly then raise his eyebrows.
"Oh, no," I whispered as I understood what he meant...
Girls: 17
Boys: 17
"Hmm..." Mr. Ramon said while adding a point to Jaxen's team.
"Nako, Khatalina mukhang may kalaban kana!" sigaw naman ni Pauline na siyang ikinatawa ng lahat.
Narito kami ngayon sa harap ng klase kung saan magkalaban kami ni Jaxen, iyong transferee.
I am the representative for the girls and he's for the boys. Si Jaxen ang napiling representative ng boys dahil daw gusto nila malaman ang kakayahan niya and sa akin naman siya itinapat dahil raw sa ako ang top student ng school.
Mr. Ramon decides to conduct a quiz bee for us and the team that will win will get an allowance for his café near our university.
Napatingin naman ako sa mga kaklase kong buhay na buhay ang mga dugo. Palibhasa hindi sila ang sumasagot at panay ang cheer lalo na ngayong dikit na dikit ang laban namin ni Jaxen.
"Okay, next question..." Mr. Ramon said as he looks at his paper where he writes all of his questions.
I then let my eyes glued on the teacher's desk where we have to tap with our hands whenever we know the answer.
My palm is a little redder than it was before from all the tapping on the desk as I try to be fast. Mahirap na kapag natalo kami, paniguradong magpapalibe na naman iyang mga kaklase ko sa akin dahil hindi sila makakasama sa libre ni Sir after class sa team na mananalo.
"This one is easy. In what continent is Russia in?" he asked as he raises his fist tanda na hindi pa kami makakasagot.
Hinanda ko naman na ang sarili ko para maunahan si Jaxen sa pagsagot at hinintay ang go signal ni sir.
"Go!" sigaw ni sir na sinundan ng hiyawan ng mga kaklase namin.
Agad ko namang ipinukpok ang lamesa dahilan para magsitilian ang mga babae.
"What's your answer, Khatalina?" tanong ni Mr. Ramon na para bang nadadala narin ng excitement ng mga kaklase ko.
"Europe and Asia," I answered.
"In which continent most land of Russia is, Europe or Asia?" he asked again.
"Hala, Sir! Bakit may follow up question?!" sigaw ni Allyah.
"Before you answer, Khatalina. Let's see what does Jaxen thinks..." saad ni Mr. Ramon nang hindi pinapansin iyong protesta ng team ko.
Unlike sa reaction ng girls, ang saya naman ng nga lalaki at parang mga manok na salita nang salita.
Napatingin naman kaming lahat kay Jaxen na diretsong tumingin sa akin nang nakangisi dahilan para pangunutan ko siya ng noo.
"Can I have a point if I got it right?" tanong ni Jaxen kay Mr. Ramon still staring at me.
"Yeah, sure but if not, then two points for the girls," pagsang-ayon ni Mr. Ramon.
Napakapit naman ako nang mahigpit sa lamesa nang manahimik ang klase at tila hinihintay ang sagot ni Jaxen.
I don't mind losing in this game but I don't want to disappoint my team though.
"I think, most of the population of Russia is in Europe so, I guess it is Europe," he confidently answered.
Hindi ko naman maiwasang mapangisi sa sagot niya na mukha namang napansin niya ang reaksyon ko at ikinagat niya iyong labi niya.
Bahagya namang napatawa si Mr. Ramon samantalang tahimik pa rin ang mga kaklase namin.
"Khatalina seems to be smirking, why?" nakangiting tanong sa akin ni Mr. Ramon.
"It is indeed that most of the population of Russia is in Europe..." I started causing Jaxen to smirk again.
"Correct me if I am wrong but I heard that the answer Mr. Ramon is looking for is in which continent does most of the land in Russia lies. Am I wrong, Mr. Ramon?" I said as I stared back at Jaxen who revokes his smirk.
Nakita ko namang nailing si Mr. Ramon sa peripheral vision ko kaya naman ipinagpatuloy ko ang sinasabi ko.
"Asia. Asia is where most of Russia is, Mr. Ramon," I answered.
Napatawa naman si Mr. Ramon dahilan para maramdaman ko ang tensyon sa pagitan ng mga nanonood sa amin.
Si Jaxen ay seryoso lang na nakatingin sa akin at ako naman ay nakangisi sa kaniya. I don't want to mock him but it seems like he's challenging me, so, why not?
"This topic does confuse some people but yes, Khatalina. You are right!" Natatawang anunsyo ni Mr. Ramon dahilan para magtatalon sa tuwa iyong mga ka-team ko.
"17 versus 19, huh? Okay, let's settle the winner with this question. 5 points na ito if tumama kayo," saad ni Mr. Ramon.
Himinga naman ako nang malalim. If matalo man ako, ililibre ko nalang ang girls mamaya. Bahala na, mukha namang desididong manalo iyong Jaxen.
"Okay, for two points! Listen carefully! What is..." intense na saad ni Mister Ramon.
Napatingin naman ako sa mga lalaki na mukhang chill lang nanonood kumpara sa mga babae na nakatayo at magkakayakap.
Jaxen on the other hand is just listening carefully to Mr. Ramon.
"...my full name?!" pagpapatuloy niya.
"HUH?!" sabay-sabay na sigaw naming lahat maliban kay Jaxen.
Hindi ko naman mapigilang mahiya kay Mr. Ramon dahil ilang taon ko na siyang nagiging teacher pero hindi ko man lang alam iyong full name niya.
Natigilan naman ako nang marinig iyong pagpukpok ni Jaxen ng kamay niya sa desk. What the heck? He knows? Already? On his first day?
"Jaxen?" Mr. Ramon.
"It's John Andrew Timothy Cerano Ramon, isn't it?" sagot naman ni Jaxen na ikinaawang ng labi ko.
"Ang haba naman..." hindi ko namalayang nabanggit ko dahilan para magsitawanan sila.
"What?! Seriously, Khatalina? You don't know? Nakakatampo ka!" pag-iinarte ni sir dahilan para mapangiti ako at ikatawa ng nga kaklase namin.
Nag-peace sign naman ako kay Mr. Ramon.
"Sorry na po, Mr. John Andrew Timothy Cerano Ramon," natatawang hingi kong paumanhin.
Naiiling lang siya na nangingiti saka na kami pinaupo sa upuan namin.
"Okay, congratulations to the boys' team! Thank you, Khatalina and Jaxen for playing on behalf of your groupmates," anunsyo ni Mr. Ramon.
Mabilis nang nagdaan ang oras nang matapos ang klase namin kay Mister Ramon. Narinig na namin ang tunog ng bell hudyat na tapos na ang klase.
Mabilis naman akong kumilos para iligpit ang mga gamit ko saka isinuot na iyong uniform coat ko na nakasabit lang sa armchair ko. Tinanggal ko na iyong pagkakaipit ng buhok ko dahil medyo sumakit na ang anit ko sa higpit ng pagkakaipit ko kanina.
Kinuha ko naman sa bulsa ng palda ko iyong phone ko at tinignan ang schedule ko para mamaya sa office. Sakto namang tinawagan ako ng secretary kong si Kimberly.
"What?" I asked.
"How are you? Na-late ka pumasok kanina, ano? Tapos na ba klase niyo? Pagod ka ba? Do you want to take a day off?" she asked.
"Uy, Jaxen! Tara, sabay-sabay na tayong mga lalaking pumunta sa café ni Mr. John!" aya ni Tristan kay Jaxen at bahagya pang napatawa.
"Wow, ni-emphasize mo pa talagang kayong mga lalaki lang ah!" sigaw naman ni Carla na busy sa pagaayos ng lipstick niya.
"Syempre! Talo kayo eh! Hindi ba, Khatalina?!" pang-aasar ni Tristan sa akin.
Sinamaan ko naman siya ng tingin na ikinatawa lang niya at bumulong ng "biro lang" sa akin. Nginitian ko naman siya dahil alam ko namang nagbibiro lang siya.
Napatingin naman ako kay Jaxen na nakasabit ang bag sa kanang balikat niya na nakaupo sa armchair niya at pinanonood kami.
Napatayo naman ako nang maayos nang mapadako ang tingin niya sa akin.
"Khatalina, you still there?"
"Yeah, I'll take the day off. Thank you," sagot ko sa kaniya at ibinaba na ang tawag.
"Uuwi ka na ba?" Tanong naman ni Pauline sa akin.
"Oo, tama iyan, uwi na kayong mga babae!" singit na naman ni Tristan dahilan para awayin siya ng ibang babae.
"Hay nako, mayabang lang kayo kasi makakalibre kayo! Kaya naman kaming ilibreng lahat ni Khatalina, ano?!" hiyaw sa kaniya ni Pauline.
Napatawa naman ako saka tumango nalang at sinuot na iyong bag ko dahilan para magsitilian iyong mga babae at isigaw-sigaw ang pangalan ko.
"Ano pa nga bang magagawa ko?" bulong ko sa sarili.
Naglakad na kami palabas ng classroom para sabay-sabay na pumunta sa café ni sir.
Hahabulin ko sana si Pauline pero napahinto ako sa pagtakbo nang marinig ko iyong mahinang boses ni Tristan na nasa likod ko at hawak iyong bag ko dahilan para hindi ako makatakbo.
Hinarap ko naman siya. Nakangisi lang siya at nakatingin sa kalalagpas lang sa amin na maglakad ni Jaxen.
"Khatalina, payag ka? May katapat ka na?"