Gilbert (POV) Maraming mga mata na naman ang nakatingin sa aming dalawa ni Maine. Noon ko pa gustong ipatigil na kay Carol ang pag-a-upload ng mga duet o singing videos naming dalawa. Kahit na ganito, may kinikita naman kami galing sa channel. Nakakakaba lang kasi ‘yung sinunsundan kami ng mga tao. Nakakasakal na ganito. Next time nga, sasabihan ko si Carol na hindi na namin itutuloy kasi nakakaapekto na talaga sa buhay naming dalawa Maine ang mga ganitong sitwasyon. "Gilbert, sa tingin ko, that is too much. I don't want a life like this." "Kahit ako rin naman, e. Sa totoo lang, minsan, ayoko na ring lumabas sa bahay nang dahil sa ganitong mga pangyayari." “Hayaan mo, sabihan na lang natin si Carol.” “Mabuti pa nga.” Nandito na kami sa parang amphitheater sa Central Square. Umupo

