Maine (POV) Alam kong pareho na kami ng nararamdaman pala sa isa’t isa. Gilbert sounded like himself when feeling kilig – nauutal, hindi alam ang susunod na sasabihin, at iniiba ang kapal ng boses para masabing lalakeng-lalake siya. Classic Gilbert. But one thing na nagpalaglag sa puso ko e no’ng sinabi niya na masaya siya dahil nagkita na ulit kaming dalawa. It was real yet unprepared. That was him telling me that I have a chance na magustuhan niya rin ako. Especially right now na February. Aayain niya kaya akong makipag-date kasama siya? Nagtitiis na kasi ako sa mga nakikita kong couples ngayon. Lahat sila happy, but me. I know that romance is just a product of capitalism to entice people into believing na makukuha ang damdamin mo over material things. But not me. His voice was enough t

