Gilbert (POV) Nakakaasar si Prof. Palagi niya kasing iniiba ang assignment pagdating sa akin. Kadalasan, may pinapakitang equation at kailangan ko lang sundan. Nakita kong iisang equation lang ang kanila. Tatlo ang akin. Gusto ko na nga siyang sugurin dahil hindi patas ang ganito. Pero nagugustuhan ko rin kahit paano. Hindi ko naman nininigo na maging target ng kahit anong pagpapahirap, pero gusto ko ng ganitong pagsubok. Bali-balita sa buong campus na saksakan ng bagsik itong si Prof. Bibihirang ngumiti dahil nababato na sa paulit-ulit na tipo ng mga estudyante sa campus. Pero ito siya ngayon at nakangiti. “Class, parang ngayon ko na nakikita kung sino ang tatagal sa Economics.” Napalingon ako sa mga kaklase ko ngayon dito. Nakangiti silang lahat sa ‘kin. “Gilbert Castro,” pagtawa

