Maine (POV) Nagsimula na naman akong mag-daydream. Naghahabulan kaming dalawa ni Gilbert sa dalampasigan. Tapos yayakapin niya ako sa likod. Unti-unti niyang hinahaplos ang kamay niya sa braso ko. Humarap ako sa kaniya at hinawakan ko ang mga kamay niya. At hinalikan niya ako sa pisngi. Parang hindi ko kasama si Gilbert, pero ito siya at binalik ako sa ulirat. "Cute, ano'ng gusto mo?" tanong niya sa 'kin. "Pa'no kung sabihin kong ikaw?" kinikilig pa talaga ako! Ang landi ko lang! "Ikaw talaga! Kung gusto mo ng kiss, 'wag mo na akong idaan sa ganyan. Deretsahan na lang." Nabatukan ko nga ba siya. Buti abot ko siya ngayon. Nag-sorry siya sa akin. Sabi niya pa, baka mabawasan ang talino niya. "Cute, sasama ka ba sa swimming bukas?" "Oo naman! Nakahanda na nga ang swimsuit ko, e." "H

