Chapter 15: Drunk Narumi Gail Cruz "Miss isa pa nga" tinititigan lang ako nung babae ay oo nga pala wala nga pala ako sa Pilipinas *chuckles* ang boba ko talaga nasa London nga pala ako kaya natural na hindi niya ako maiintindihan. "Sorry Miss, I just want to order another bottle of beer please" tumango-tango yung babae na siguro iniisip na isa akong weirdong tao. Kanina pa tunog ng tunog yung cellphone ko na nakalagay sa gilid ng lamesa, hindi ko yun sinasagot tinititigan ko lang. Grabe siguro ito yung dahilan kung bakit ko naisipang pumunta ng London. Siguro kumbaga yung McKenzie lang ang nagging way para malaman ko ang lahat, kasi kung titingnan kung hindi ko pa itinanong kay Tyron hindi ko malalaman eh ibig sabihin wala talaga silang ipaalam saakin ang lahat.

