Alliyah's POV Dahil siguro namamahay ako. Hindi ako sanay sa hinihigaan ko ay nagising ako ng maaga. Naramdaman ko din ang bigat ng braso ni yhuan na nakapulupot sa bewang ko. Chansing 'to ah! Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya sa bewang ko at saka hinarap siya. Tulog pa rin naman. Nalaglag na ang bimpo sa noo niya. Nilapat ko ang likod ng palad ko sa noo niya. Medyo bumaba na ang lagnat niya. Buti naman. Kinuha ko 'yung bimpo at dahan-dahang tumayo para hindi siya magising. Medyo madilim pa sa labas siguro mga nasa alas sais palang. Nag unat-unat ako bago lumabas ng kwarto niya at nagpunta sa kusina. May mga stock siyang pagkain dito na pwedeng lutuin kaya nagluto ako. Nagluto ako ng lugaw. Para 'yun sa may mga sakit. Natapos ako sa pagluluto at naglagay sa mangkok, nag

