Alliyah's POV Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero agad ding isinara dahil sa liwanag. Nag unat ako at dahan dahang iminulat ang mga mata. Kinusot ko ang mga mata ko at liningon ang katabi ko. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin habang nakatukod ang siko at ang mukha ay nakabaon sa palad niya. Nakahiga siyang patagilid habang nakatitig sa akin. "Good Morning." He again Use his morning voice that sounds so good to my ears. Blessed Morning, indeed. Ang unfair dahil ang bango ng hininga niya kahit kagigising lang! Amoy fresh mint! Lumayo ako ng kaunti at bahagyang tinakpan ang bibig ko dahil baka may panis na laway pa at alam kong hindi kasing fresh ng hininga niya ang hininga ko. Tumawa pa siya ng mahina dahil sa ginagaw

