KABANATA 019

1679 Words
“I’m so excited, mommy! This will be my first time attending a family banquet,” masayang usal ni Zoey na kasalukuyang binibihisan ngayon ni Manang Sela habang ang ina naman nito ay abala din sa pag-aayos sa sarili. “I want you to behave there. Makinig lagi kay mommy and Manang Sela, okay?” bilin ni Eris at mabilis namang tumango ang anak. Dadalo sila ngayong gabi sa family banquet ng mga Lancaster, isa sa mga kasosyo ng pinsan niyang si Aaron. Hindi pa nga pumayag noong una si Eris, pero kalaunan ay nakumbinsi din siya ni Aaron na mahalaga ang pagtitipon na ito para sa kanilang Negosyo kaya napapayag siya. “The car is ready. Tapos naba kayo?” pag-uusisa ng kapapasok lang na si Aaron. “I’ve check on Zach. Tapos na din ang pamangkin ko,” dagdag pa nito. “We’re almost done, uncle,” sabat ni Zoey. “Manang Sela will be tying on this ribbon which perfectly match my outfit for tonight,” pinakita nito ang kulay silver na laso na pinabili niya pa sa mommy niya nang mapadako sila sa mall kahapon. She wore a pretty, rose-colored dress, its simple A-line cut perfect for twirling. A tiny silver bow adorned her hair, complementing the butterfly necklace her mother had given her. “You look stunning, baby girl,” “Thank you, uncle. You too look so handsome, I wonder how many girls would drool over once they see you,” Zoey giggled. Kaagad namang napabaling si Eris sa direksyon nilang dalawa. “Where did you learned that?” lumipat ang tingin niya sa pinsan. “Ikaw! Kung ano ano na lang ang itinuturo mo sa anak ko,” nanlilisik ang mga mata nito. “What? Malay ko diyan,” natawa na lang din si Aaron. PASADO ALAS SYETE na ng gabi nang makarating sila sa mansyon ng mga Lancaster. Inayos muna ni Eris ang buhok ni Zoey dahil medyo nagulo ito habang nasa byahe sila. She then checked on his son, Zach at nang makitang maayos naman ito, doon na nilang napagpasyahang lumabas ng sinasakyang kotse. “Kayo na po ang bahala sa kanila. Hayaan mo lang po silang mag-enjoy and just give me a call if something happened,” bilin ni Eris kay Manang Sela dahil ito ang magbabantay sa kambal ngayong gabi. Paniguradong magiging abala sila ng pinsan niya, kaya minabuti niyang isama nalang si Manang Sela para kahit papano ay maibsan ang pag-aalala sa kambal. Tumango si Manang Sela sa kanila bago iginiya ang kambal papasok sa mansyon at naiwan silang dalawa ng pinsan niya. Nagtatatalon pa si Zoey sa sobrang excited habang si Zach ay nanatiling kalmado. “Sinabi ko naman sa’yo maiwan na lang sana ang kambal sa Villa,” batid sa tono ni Eris ang pag-aalala. Ayaw niya sanang isama ang kambal, kaso maipilit din kasi ang pinsan nito at kung anu-ano pa idinahilanan nito para lang mapapayag siya sa huli. “Minsan lang naman ‘to, Eris. Nakita mo naman kung paano lumiwanag yung mga mata ni Zoey pagkasabi ko na sasama sila diba? Kawawa naman yung mga bata na lagi na lang naiiwan sa bahay,” “Fine! Pero hindi kami magtatagal dito, okay?” “Okay,” natatawang usal ni Aaron. Hinapit siya ng pinsan nito sa bewang at sabay silang pumasok sa mansyon. Binati sila ng security sa entrance, pati na din ng iba pang mga negosyanteng nakakasalubong nila. “I couldn’t help but notice your stunning companion. Would you be kind enough to introduce us?” nakangiti habang nakatitig ang isang lalaki kay Eris na sa tingin niya’y nasa 30’s ang edad nito. She’s wearing a breathtaking red gown, its rich color a captivating contrast against her skin. The intricate beading and shimmering fabric add a touch of glamour to its impressive design. Mapa-babae man o lalaki ay talagang mapapalingon kapag nakita siya. “Oh, yeah. By the way this is Eris, my cousin. She just came back from States to oversee some of our business here. Hopefully this time, she settles here for good,” pakilala ni Aaron sa kanya. “Eris, meet Mister Jacob Villarama. One of Wilde Group’s shareholders,” “Hi, Eris. It’s my pleasure to meet you,” kinuha ni Jacob ang kamay niya saka ito hinalikan. “Your cousin is good in hiding a gem. Why is he keeping you hidden?” dagdag pa nito. “Nice meeting you too,” nakaramdam siya ng pagka-awkward dahilan para bawiin nito ang kamay. Nagsimulang mag-usap sina Jacob at Aaron patungkol sa business, kaya hindi maiwasan ni Eris ang mabagot. Sinubukan niyang igala ang kanyang paningin sa pagbabakasakaling makita niya ang kambal pero hindi niya ito makita. Masyadong malawak ang mansiyon. “Aaron, bro! Glad you came!” Napabaling siya sa lalaking sumulpot. Gulat siyang napatakip sa kanyang bibig nang mapagtanto niya ito kung sino. ‘Bakit siya nandito?’ Nagpaalam na din si Jacob sa kanila at nagpaiwan ang lalaking bagong dating. “What’s up, bro? Ang tagal din noong huli tayong nagkita,” sabi ni Aaron. Pasimpleng tinakpan ni Eris ang kanyang mukha gamit ang bitbit na purse. Palihim siyang humakbang palayo, pero bago pa man siya tuluyang makatakas, kaagad siyang hinila ng pinsan nito. “By the way, allow me to introduce to you my—awww!” napabitaw si Aaron sa kanya nang bigla niya itong kurutin sa tagiliran. Kunot noong napatingin pa ito sa kanya at binigyan ng ‘what-the-h*ll-is-your-problem’ look. “Newbie?” gulat na tanong ni Jaxon, operation manager ni Eris sa department na pinagtatrabahuan niya. “You look stunning. Muntik na kitang hindi makilala,” Nabalot ng pagtataka si Aaron at pabalik-balik na tinignan ang dalawa. “So, you two have met already?” tanong pa nito. “Yea, she just got hired few days ago,” muling bumalik ang tingin ni Jaxon kay Eris. “Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” Hindi napaghandaan ni Eris na makaka-enkwentro niya ang boss niya dito. Paano ba naman kasi, hindi man lang siya ininform ng magaling niyang pinsan. “Uhm… I’m his e-escort… I’m here as his escort,” “Escort?” halos magkasabay na bulalas nila Aaron at Jaxon dahilan para mapatingin ito sa isa’t isa. Hinawakan ni Eris ang pinsan sa braso. “You hired me and promise you’d pay me bigtime after tonight’s event. Have you forgot?” ‘We-didn’t-sign-up-for-this’ Aaron mouthed pero hinigpitan lang ni Eris ang pagkakahawak sa kanya bilang warning na huwag na siyang umangal. “Hindi ko alam na may sideline ka pala,” sumagot si Jaxon. “Why? Hindi ba enough ang pasweldo ng Wilde Group para maghanap ka pa ng sideline?” pabiro pa nitong sabi saka napatawa nang mahina. “Eh?” “I was just kidding,” muli itong natawa “I know, you have reasons and I’ll respect that,” bigla itong sumeryoso ang expresyon kaya ginawaran niya lang ito ng pilit na ngiti. “Anyway, I’ll see you around. Enjoy the night!” nagpaalam na din ito sa kanila. “Wow naman Eris. Saan mo naman napulot na hinire kita bilang escort ko? Nahihibang ka na ba?” kaagad na ginisa ni Aaron ang pinsan pagkaalis ni Jaxon. “What? Talaga namang escort mo ako ngayon diba?” “I was about to introduce you as my—” “He’s my boss. Alangan naman sabihin mo dun na pinsan mo ‘ko. E kumusta naman yung two weeks ko na pagiging normal na empleyado? I don’t want to receive any special treatment while I am working. Sana maintindihan mo,” putol niya dito. May punto nga naman siya. Gusto niyang pansamantalang maging normal na empleyado. Ayaw niyang magbago ang tingin ng boss niya sa kanya dahil lang sa malaman nitong pinsan siya ng isa sa mga namamalakad sa negosyo. “He’s my friend, Eris. Saka wala namang masama kapag ipinakilala kitang pinsan ko dahil yun din naman ang mangyayari two weeks from now,” “Ah, basta. Ayoko pa din,” pagmamatigas nito. Aaron just sighed in disbelief. Hindi talaga siya mananalo dito kapag nagmamatigas na ito. “Teka nga lang, bakit ba nandito ‘yon? I didn’t know na invited din pala ang mga manager sa okasyong ito,” hindi na napigilan ni Eris ang magtanong sa pinsan. Ang buong akala niya ay para lang ito sa mga elites. Papanong nakadalo iyon dito? “That’s Jaxon Lancaster. Obviously, Family Banquet nila ito. Hindi naman pwedeng hindi invited ang tagapagmana ng mga Lancaster,” Hindi napigilan ni Eris ang mapanganga dahil sa narinig. Wait—what? “Tagapagmana? But he’s working in Wilde Group?” Ang alam niya, magkaiba ang Wilde Group at Lancaster Corporation. How come na siya ang tagapagmana ng Lancaster Corporation gayong nagtatrabaho siya ngayon sa Wilde Group? “Just like you, gusto niya lang ding maging normal na empleyado. He doesn’t like running business as big as their company,” sagot ni Aaron. “So, what he did was, he quitted from his position there sa Lancaster Corporation as CEO, and since he’s a good friend of mine, he asked me a favor na gusto niyang magtrabaho sa Wilde Group,” Saglit na natahimik si Eris. She didn’t know na meron pa palang mga kagaya ni Jaxon. Yung handang iwan ang lahat para lang mamuhay ng simple. Imagine, he got everything life has to offer pero tinalikuran lang niya. “But you know what, aside from he wanted to live a low profile, meron pang isang rason kung bakit ayaw niya dun sa Lancaster Corporation,” mas lalong na-curious si Eris dahil sa sinabi ng pinsan niya. Kung tutuusin ay wala naman sana siyang pakialam dito, pero hindi niya alam kung bakit kinakain siya ng kuryusidad ngayon. She wanted to know badly the other reason why. “Mommy! Mommy!” biglang naagaw ang atensyon nila ng batang tumatakbo papunta sa kinaroroonan nila. “Kuya Zach needs your help,” sambit ni Zoey at hindi niya mawari kung bakit bigla na lamang siyang kinabahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD